Kusina ni Manang

Mahigit isang taon pa lang akong naninirahan dito sa Istet, at maraming mga "bago" sa pagkain, lalo na kung iisipin ay ang mga sangkap. Sa gulay na lang, maraming wala dito, gaya ng dahon ng malunggay, dahol ng sili, etc. Bukod dito, dahil Amerikano ang asawa ko, kinakailangan kong mag-adjust sa panlasa nya, nang hindi makokompromiso ang panlasa ko.

Sa katitingin ko ng mga support groups para sa mga Pinay-Am (Pinay-Westerner) marriages, maraming nagshi-share ng mga resipi, at naghahanap pa ng mga bago. Kaya ipinanganak itong website na ito.

Sapagkat iniisip kong tipunin ang mga resipi, at nakita kong marami ang naghahanap (isa na ako dun), naisip ko tuloy ilagay sa internet ang koleksyon ko, with matching pictures para mas interesting! Sa mga nakalipas na buwan, marami akong nakilalang ibang Pinay na nasa parehong kalagayan. Ibinahagi nila ang kanilang nalalaman, at ang iba ay gumawa rin ng kani-kaniyang websites! Kaya naman, mas madali na ngayon ang sharing, at mas madali akong natututo sa kanila. Dahil dito, dumadami ang mga online cookbooks na libre! Nakakaaliw!

Baka gusto mo rin mag-umpisa ng sarili mong foodblog at madagdag sa circle ng mga foodbloggers. Masaya, mas madali ang sharing, at mas madaling makahanap ng kaibigan sa ganitong paraan! Para na rin tayong nagsasalu-salo kahit di magkasama.

Siguradong maraming makikinabang sa ibabahagi nyo, kabilang na ako.

Maraming Salamat!


Homepage
Home

About Me

Cooking Recipes

Baking Recipes

Canning &
Preserving Recipes


Miscellaneous

Foodblog