Alin mang lahi,
insinasanggalang
Sa lupit ang kanyang lupang tinubuan
Tuloy pinaghahandugan
Ng buhay at dugo kung kailangan
Ang
kamatayan man, kung saka-sakali
Igiginhawa ng mga kalahi
Tatanggapin ng may ngiti
Kasaliw ang tuwang di mumunti
Ngunit
pagkasawing-plad yata
Ng katagalugang napapanganyaya
Ibukod pa sa ibang umaaba
Lalong nagbibigay hapis ang ibang kapwa
Sabagay
di kulang sa pupuhunanin
Lakas, dunong, tapang, yaman ay gayundin
Aywan kung bakit at inaalipin
Ng bawat lahing makasuno natin