COLABORACIONES/ COLABORATIONS

11/Octubre/2003
¿MGA IGNORANTE BA ANG MGA HISTORIADOR SA TELEVISION “k” AT SA U.P.
¿FUE MALA, O DESVENTAJOSA, LA REDUCCIÓN A PUEBLOS DE LOSINDIGENAS FILIPINOS?
Ni Guillermo Gómez Rivera
Academia Filipina de la Lengua
Correspondiente de la R. A. E.

Manila

NAKITA NAMIN AT NARINIG SA TELEVISION ‘K’ ang mga sinabi nina Jaime Veneración at Mister Llanes ng UP laban sa sistema ng “reducción a pueblos” ng mga Kastila.

    Sinasabi nila na masama, daw, ang guinawa ng mga Kastila ng inakay NILA ang ating mga ninunong katutubo, mga indio, upang mamuhay ito sila sa loob ng isang REDUCCION (bayan) o pueblo kung saan may tinatag na Simbahang Catolico, isang pambayang tindahan o palengke, siang bahay pamahalaan (Tribunal o Casa Real o Presidencia Municicpal), mga kalye,isang cementerio o libiñgan, isang tindahan ng mga gamot (botica), mga tiangue at ibang mga centor ng comercio kung saan pinagbibili ang bigas,ang asin, ang asukal, etcetera.

    Sa madaling sabi, ang REDUCCION, na siyang mga bayan, o bayan-bayanan, ñgayon na nakakalat sa buong kapuluan at siyang nga municipio na bumubuo ng mga probinsiya, na siya naman ang bumubuo ng buong bansang Filipino, ay isang bagay na masama na guinawa sa atin ng mga Kastila sa mga historiador galing sa UP tulad ni Jaime Veneración, Mister Llanes at isang babae na “historian” din kuno.

    ¿Sino ba ang matinong Pilipino sa kasalukuyan ang makokombinsi na lubusang masamang gawain ng mga Kastila ang kanilang pagtatag ng mga bayan (pueblo) o municipio (reducción) na kinatitirhan ñgayon ng karamihang Pilipino?

    Kailanman sinabi ni “Historian” Jaime Veneración, o ni Llanes, at ng isa pang babaeng “historian”, ng naturang programa sa Televisión “K”, na ang REDUCCIÓN” na tinatag ng mga KASTILA ay hindi instrumentos lamang ng kanilang pananakop dito kungdi naguing instrumento din ng tunay na KAUNLARAN ng mga Filipino dahil natuto tayong mamuhay ayon sa isang civilización na más mataas dahil na organisá ñgâ ang ating administrasyong sibil sa antas at hanay ng ating mga barrio (barangay ñgayon) at sa antas ng ating mga municipio o bayan-bayanan.

    AT HINDI RIN SINABI ng mga nabangguit na mga “historian” ng UP na guinawâ ng mga Kastila ang pagtatag ng REDUCCION A PUEBLOS (o ng mga BAYAN natin ñgayon na atin din na kilala at pinagmamalaki hanggang ngayon), dahil PINAHINTULUTAN SILA ng ating mga ninunong katutubo NA GAWIN ANG MGA NASABING REDUCCION dahil tinanggap na, ng mga mismong ninuno natin, ang Hari ng España BILANG HARI NILA. (…accepted as their natural sovereign…” (Tignan ang librong “ The Hispanization of the Philippines” ng historiador na Kanô na si Dr. John Leddy Phelan, pages 23-25).

    At ang PAGTANGGAP ng mga ninuno natin sa Hari ng España bilang hari nila nangyari nuong sila’y sumali sa SÍNODO o REFERÉNDUM na guinawa ng mga awtoridad na Kastila SA MAYNILA nuong mga taong 1598 at 1599.

    ¿Bakit hindi sinabi ang katotohanang ito nina Jaime Veneración, Mister Llanes at ng iba pang nagsasabing mga “historian” ng U.P. at ng Telebisyong “K”?

    Basta lang sinabi ng mga ito na masama daw ang REDUCCION A PUEBLOS ng mga Kastila dahil ang pakay, kunó, ng pagtatag nito, ay sakupin at samantalahin lamang ang mga ninuno nating katutubo. Pero yan ay hindi lubusang totoo.
    Ito ay isang napakalaking kasinulañgan na hindi dapat ituro ng ganon (sa telebisyon pa) ninumang historiador na may kunting pinag-aralan at konting pagmamahal sa katotohanan ng ating mahal na bansa at may sariling karañgalan, katinuan, katapatan at credibilidad sa pag-interpreta ng pambansang Kasaysayan.

    At maliban sa cura parroco na fraileng Kastila, hindi rin sinabi nitong mga “historian” sa UP na ang mga opisyal ng bayan ay pawang mga Filipino din. Mga Filipino na dati ay mga Maharlika na naguing mga “principales” nitong mga tinatag na mga bagong mga bayan batay sa mga REDUCCIONES ng mga Kastila at mga Fraile na naguing kapalit ng mga dating nagkakawatak ng mga barangay.

    Sinabi pa nitong mga “historian” na masama rin itong mga dating Maharlikang mga katutubo dahil kumampi pa sila, daw, sa mga Kastila upang sakupin ang karamihang mamamayang Pilipino. Bakit pa nila sakupin ang mga dating katutubo na talaga namang sakop nila sa pamaguitan ng pañgañgalipin bilang mga aliping pamamahay, saguiliran at puhunan? Kung tuosin, ng tinatag ang mga REDUCCION, inalis ng mga Kastila ang dating sistemang pañgañgalipin ng mga Maharlikâ laban sa kanilang mga dating sakop. At masama itong alisin ng mga Kastila sa pamaguitan ng pagtatag ng REDUCCION?

    (Ang hindi namalayan yata nitong mga mismong “historian” sa UP ay ang katotohanan na sila’y tunay na mga alipin ng mga mananakop ng mga Kanong WASP dahil ingles sila ng ingles at ang isip nila UKOL sa mga REDUCCIÓN ng mga Kastila ay parang mga “Red Indian Reservation” ng kanilang mga Amo na Kanong WASP kung saan binilanggô ang mga tribung Indian, o “Injun”, sa Estados Unidos upang unti-unting lipulin ang mga kawawang ito).

    Ang resulta nitong mga “Indian reservation” sa Estados Unidos ay ang unti-unting pagpatay, bilang henosidyo, sa mga naturang Indian o mga Katutubô ng Estados Unidos upang makuha ng mga Kanong WASP (White Anglo-Saxon-Protestants) ang kanilang lupain at lupâ. Hindi namn guinawâ ang iyon ng Kastila dito.)

    Hindi RIN sinabi ng mga “historiador” na ito na, PAGKATAPOS maitatag itong mga REDUCCIONES, na tinuruan ñgâ tayo ng mga Kastila kung ano ang konsepto ng participación sa pamahalaan (government participation) na pinayagang gawin na mga Cabeza de Barangay (Barangay Captaion ñgayon) at Gobernadorcillo at Alcalde (mga Alkaldeng bayan ñgayon) ang mga mismong mga katutubo na dati nang kinikilala ng mga mismong mga ninuno natin na mga Maharlikâ nila.

    Hindi rin sinabi nitong mga tinutukoy na mga “historian”, sa U.P. at telebisyon “K”, na dinala ng mga Kastila sa mga naturang REDUCCION ang kanilang teknolohiya sa pagsaká sa lupâ (araro, asarol, patubig-irigasyon, et cetera) kasama ang pagpakilala dito ng mga bagong tanim na agricultural tulad ng mais, ng kape, ng kakaw (na kinukunan ng tsokolate), ng mani, ng tubó (na kinukunan ng asukal), ng kalabasa, ng gabi, ng kamote, ng sinkamás, ng patola, ng amargoso (ampalaya), ng papayas (kapayas), ng bayabas, ng chiko, ng dalanghita at kalamansi, ng kaimito, ng atis, ng santol, ng mangga, ng guwayababano, ng ube, ng kamachile, ng makopa, ng ratiles, ng atsuwete, ng sayote, ng pakwan o sandiya, ng melon, ng kamatis (tomate), ng sibuyas (cebollas), ng sili (chile), ng abitsuwelas, ng mongo, ng siniguwelas (ciruelas) at mga katulong hayop tulad ng kabayo (mulá sa Mexico at sa China), ng kalabaw (mulá sa Vietnam), ng baka (mula sa Mexico), ng karnero o tupâ (mula sa España), ng pabo, ng gansa, ng patong puti, etcetera...

    Pati mga bulaklak at magagandang halaman dinala din ng mga Kastila sa mga REDUCCION dito tulad ng mga rosas, mga gumamela, mga sampaga, mga adelfa, mga chichirrica, mga kalachuchi, mga bonganbilya, mga azucena, mga kadena de amor, mga dama de noche, etcetera…

    Hindi rin sinabi nitong mga nabangguit na mga “historian” na dinala din ng mga Kastila sa mga REDUCCION na kanilang dinudustâ ang mga karunuñgan sa arkitektura, sa obras públicas sa pamaguitan ng polo at falla (na siyang BAYANIHAN ñgayon), ang sistema ng paggamot sa pamaguitan ng Botica, ang sistema ng pagnegosyo sa pamaguitan ng Palengke, tindahan, karihan, pansiteriya at tiangeng sari-sari, ang mga kaaliwan ng mga pagkanta sa gitara, sa piano, sa bandang buho, sa rondalla, ang teatro sa pamaguitan ng moromoro, zarzuela at drama, ang sistema sa pageduká sa kabataan sa pamaguitan ng mga escuelas parroquiales, ang pagpakilala sa mga profesyon ng maestra’t maestro, ng abogasiya, ng doctor, ng klinica, ng funeraria, ng infraetructura ng mga kalye, plaza, imburnal, alhibe at pozo artesiano…

    Hin rin yata alama nitong mga historian” sa U.P. at Telebisyon “K”, na dinala din sa mga naturang REDUCCIÓN and isang administrasyon o pmamahala na organizado kasama ang isang simpleng sistema ng pambubuwis tulad ng cédula, ng amilyar, ng lisensiya na guinagamit hanggang ñgayon maliban sa ke daming iba-ibang buwis pa, na direkta (income tax) at indirekta (dahil poatagô) NA DINAGDAG, pinatong at pinataw, ng mga MANANAKOP na Kanong WASP na, sa bandang huli, KASAMA ang kasalukuyang pañguñgurakot sa gobyerno, KATIWALIAN AT KRIMEN na siyang tunay na pinamana ng mga nag-Iingles na mga Kanong WASP sa mga kasalukuyang “Pinoy” na pulitiko sa pamahalaan na nagtataglish bilang resulta sa lubusang pagpilit ng wikang Ingles sa ating sistema, kuno, sa “edukasyon” at “kultura” na binabayaran ng mga mismong Pilipinong kinukunan ng buwis sa pagkubra ng matataas ng kuryente at tubig na hindi mainom.

    Talagang saksakan sa kabalbalan at kauululan ang karamihang sadyang sinabi nitong mga “historian” ng UP ng sila mismo ang nagpapahayag nitong mga kasaluñgatan sa katotohanan ng ating pambansang kasaysayan.

    Pinamalas lang nila, dahil sa mga sinabi at mga konklusyong walang pinagbabatayan sa dokumento at tradisyon, na sila’y mga ignorante sa mismong Kasaysayan ng Bansang Filipinas o Pilipinas. Mukhang pagkukunwari lang yuta ang pag-aral sa wikang Ingles. Wikang Ingles na, kung tuosin, walang tunay na relasyon sa mga orihinal na mga dokumento na kunyari nilang sinalin ng tapat at kunyaring pinag-aaralan ng lubusan.

    Dagling makikita ninuman na nakakaintindi ng konti sa ebolusyon ng ating mga bayan, población o municipio, na hindi naalaala nitong mga “historian”, na darating din ang araw na maibubunyag din sa sangkaFilipinuhan ang katotohanan sa Historia o Kasaysayan ng sariling bansâ.

    At ang lahat na mga “historian” na ganito, o tulad sa mga binabangguit, lalabas sa bandang huli na mga incompetente o mga sinuñgaling o mga walang alam kung hindi mga masasahol na mga tutâ ng mga Kanong WASP na nagturo sa kanila ng “Philippine History” sa Ingles, na punô ng kamalian, propagandang sipsip na pro-Kanong WASP at lantarang wala sa panahon ni sa lugar.

    At guinagamit pa nila ang telebisyon upang gawing mga kawawang uñgas ang karamihan sa kabataang Pilipino na maaring mainiwala sa kanilang mga kabulastugan sa larañgan ng Kasaysayan ng sariling bansâ...

    Kung siyasatin ninoman ang tunay na kasaysayan ng bawat bayan sa kapuluan natin, na nanggaling sa politika ng REDUCCION A PUEBLOS ng mga Kastila, dagling makakita na hindi masama ang nasabing REDUCCION A PUEBLOS dahil ito’y guinawa para sa kapakanan ng mga katutubong Filipino at hindi sa mga kokonting administrador na mga Kastila o ng mga mismong mga Fraile na naguing gabay ng ating mga ninunô tuñgô sa kanilang kaunlaran sa loob ng halos apat na raang taong o apat na siglo.

    Akala seguro nitong mga “historian” ng U.P. at ng telebisyong “K”, na masasaktan nila ang mga Kastila ñgayon dahil sa pagpalaganap nitong “history” na walang katotohanan at bistadong mali. Hindi masasaktan ang mga Kastila dahil mga kablabalan na pinagsasabi nila sa telebisyon. Di yata alam ng mga iyon na ang España ñgayon ay isang bansang mayaman dahil ang kanilang ekonomiya ay más matatag ñgayon kung ikumpara sa kalasukuyang ekonomiyang lubog na siyang lubusang nagpapahirap sa karamihang Filipino sa kasalukuyan. Dahil dito, ang tunay na masasaktan dahil sa mga kasinuñgaliñgang ito ng mga “historian” sa U.P. at sa telebisyon “K” ay ang mga mismong Filipino dahil nilalason ng mga ito ang madlang pag-iisip.

    At dahil sa ganyang pag-iisip na nilason, magkakaroon lamang ang mga kasalukuyang Pilipino ng mga di kanaisnais na mga prehuwisyo laban sa mga Kastila at sa wikang Kastila. At ang prehuwisyong iyan, sa bandang huli, talagang walang maitulong sa kabuhayan ng pangkaraniwang Filipino o Pilipino na namumulubi sa kasalukuyan dahil sa pagpataas ng presyo ng kuryente, ng tubig, ng pagkain, ng gamot, ng mga serbisyong medical, ng tuition fee ng mga paaralan na umuugat sa pagkontrola at pagdomina, hanggang ñgayon, ng dolyar ng mga Kanong WASP laban sa pera, kabuhayan at ekonomiya ng mga Pilipinong pinipilit na mag-inglés sa sarili nilang mga paaralan sa halip na itaguyod ang sariling wikang pambansâ.

    Sa gayon, walang anó mang kabutihan o beneficio ang makukuha ang madlang Filipino sa mga pagbabaliktad at paglinlang na guinagawa nitong mga mukhang bayaring mga nabangguit na mga “historian” mulá sa telebisyon “K” at sa “U.P. Department of History”, kunó.

    Malinaw na ang pakay ng mga “historian” na ganito ay ang paglikhâ ng gulo sa kaisipan ng kasalukuyang Pilipino upang maguing lubusang alipin ang mga ito ng mga Kanong WASP at ng wikang Ingles... At dahil sa pañgañgalipin na iyan, walang imik na lang ang karamihang Pilipino na tatanggap ng nabangguit na pagsamantala at kahirapan na hinahasik ñgayon ng mga Amo WASP nitong mga tinukoy na mga “historian”, kunó.

    Itó sila ang mga may kasalanan kung nawalan ñgayon, ang bawat Filipino o Pilipino sa kasalukuyan, ng nararapat nilang mga karapatang pantao at ng isang kinabukasan na may hustisya at kaunlarán.

GUILLERMO GÓMEZ RIVERA, dating Sekretaryo ng Komité sa Wikang Pambansang Filipino ng Kombensiyon Konstituyente ng Repúblika ng Filipinas, nuong 1971-1973.

kaibigan kastila