dDRBautista  Acctg Services

Home Up Services About Us Useful Links

Hagonoy

 

HAGONOY: ANG BAYAN KO

By: CRESENCIANO "ATO" C. BAUTISTA

 

CLICK HERE FOR ENGLISH VERSION

 

Kayo ay Panauhin bilang Counter 

 

See The Online Family Album of the Bautista - Estillore Family

                Unlimited for only P680 a month.                

Ang Bayan Ko Inprastraktura Mga Sasakyan 
Mga Mamamayan Lugar Pangturista Palakasan
Ang Kristianong Bayan Paglillingkod Militar Pangbabangko
Pangkabuhayan Kapayapaan at Kaayusan Kooperatiba
United Methodist Church Pamahalaang Lokal Parola sa Pugad
Palaisdaang Bayan Nayon / Barangay Bantay Dagat
Pang-Edukasyon Pamahalaang Pambayan Wastong Pagbabasura
Mga Propesyunal Mga katangitanging Gawa Aklatang Bayan
Kalinangan at Kultura Kababaihan ng Hagonoy Himlayang Bayan
Kalusugang Pambayan Mga Samahang Pambayan Tanda ng Pagunlad

Mga Larawan ng Hagonoy

Ukol sa May Akda

ANG BAYAN KO:

         HAGONOY, ang bayan kong mahal, dakila at pinagpala, ay nagtatalay ng  ganda at kasaganaan at  mga anak na sumikat na parang  tala at bituin sa kalawakan at katanyagan sa ibat’ibang larangan ng buhay.

        Ang hagunoy ( Spitatres Acmella, mula sa wikang Latin)  ay isang  halaman tulad ng sasa at bakawan na tumutubo sa lati o tabi ng dagat. Ito’y may kaibang sangkap at katangian na panggamot sa pagpapahilum ng sugat, sakit sa balat at pagtatae o panggulay sa isda at karne.

         Ayon sa alamat, nang dumating ang mga kawal kastila, nakita kaagad nila ang mayayabong na puno ng halamang dagat, at tinanong ang mga katutubo kung ano ang tawag dito. Sumagot sila na ito’y hagunoy. Mula noon tinawag  ang pook na Hagonoy.

         Ang Hagonoy isang dating maliit na baryo  ng Kalumpit, Bulakan. Sinasabi na ipinasiyaan nuong Julyo 26, 1781  ang Parokya ni Sta. Ana [Pablo Victoria, The Hagonoy United Methodist Church, Souvenir Program, 1902 - 1985] Subalit ang kristiyanisasyon ng bayan ay nagsimula nuong 1582 pa. 

         Ang bayan Hagunoy ay humahanga sa bayan ng Masantol, Pampanga, Paombong, Bulakan at Manila Bay. Ang land area nito ay 10,310 hektarya ay may layong 53 kilometro mula sa Maynila.

         Ayon sa pinakahuling sensus (2000), ang mamamayan dito ay umaabot sa 111,425 at may 22,174 na  bahay.

Lalake

  56,418

Babae

  55,007

Kabuoan

111,425

                 

          Sa kasalukuyan may 26 na barangay ito at ang pinakahuli ay ang San Pablo at Iba Ibayo.

        Ang Barangay San Pablo ay dating sityo ng San Pedro hanggang ito’y naging isang nayon nuong 1968 at ang Iba Ibayo, sityo ng Iba, kamakailan lamang (nuong 1986)

         Ang dating tawag sa Brgy. San Pablo ay Kaybaling, ipinangalan kay Dr. Valen Tanjutco sapagkat ang mga Tanjutco ay may isang bahay bakasyunan doon na ang tawag ay CASITA FELISA at sakahan. Nang ito’y gawaing isang regular na nayon, tinatawag itong San Pablo sapagkat ang laging kasama ni San Pedro ay si San Pablo kung sila ay nangagaral. At nagkataon din na si Don Pablo Tanjutco, dating Presidente Municipal ng Hagunoy, ay may bukurin doon.

        Tampok ang Pugad at ang  Tibaguin sapagkat ito’y matatagpuan sa tabi ng Manila Bay.

 Go  to Top

Mga  Mamamayan

          Bago sakupin ng mga Kastila ang bayang ito, pawang mga muslim ang naninirahan dito. Subalit, naging kristiyano sila at yumakap sa katolisismo matapos tumangap ng bautismo simula nuong 1582. Sa kasalukuyan, ang nananaig na relihiyon ay ang Iglesia Katolika Apostolika Romana o Katoliko na may 80 % ng mga mamamayan. Iba ay napapabilang sa United Methodist Church, Iglesia ni Kristo, Born Again Christians, Dating Daan, Mormons, Seventh Day Adventists, at iba pa.

         Tinuruan sila ng  Kartilya  at Katon ukol sa pananampalayang kristiyano. Sa loob ng maraming taon namalagi silang pulos katoliko. Sa paaralang pambayan at tahanan,  tinuruan sila ng araling kristiyano.

         Payak ang pamumuhay at pananamit nila na minana pa sa mga unang ninuno. Nagsuot sila na kamisa de tsino o barong tagalog para sa kalalakihan at saya at sinamay para sa babae.

         Higit na maraming lalake ang naka pag-aral kaysa mga babae. Itinuturing na ang mga babae ay para lamang sa tahanan.

         Ang mga mamamayan ay may takot sa Diyos, makatao, mapagmahal at makapagkawanggawa. Napatunayan ito nuong panahon ng digamaan, nang tinanggap at kinupkop nila nang buong puso ang mga nagsilikas na biktima ng Ika-Dalawang Digmaan mula sa Bataan.

 Go  to Top

 

Ang Kristiyanong Bayan

             Sa pagpapalaganap ng aral ni Kristo, ang simbahang katolika ay may mahalagang papel na ginampanan. Lima (5) ang parokya, gaya ng Sta. Ana, Sta. Elena, Sto. Rosario, Iba, at San Juan; at isa ang Quasi-Parish, San Pedro. Samantalang ang ibang uri ng relihiyon ay may kani-kanyang sambahan or purok pulungan.

             Ang Hagonoy ay kilala na bayan ng mga  pari o saserdote. Marami ang nagsikap na maging pari ngunit kaunti lamang ang napili. Kabilang sa mga napili  ay sina Obispo Pedro Bantigue, Mons. Jose Agunaldo, Mons. Sabino Vengco, Jr., Mons. Emmanuel Sunga, Mons. Rico Santos, Mons. Ruperto del Rosario, Mons. Sotero Martin, Mons. Pascual Cruz, Mons. Juan Bautista, Padre Jose Ingco, at Padre Tirso Tomacruz,  Padre Solomon Sebastian, Rufino Reyes, Cornelio Salamat, Arsenio Nicdao, Victorino, Mariano Saguinsin, Tranquilino Cruz del Rosario,  Vicente Manlapig, Bartolome Bernabe, Antonio Benedicto,  Simplicio Sumpaico, SJ,  Ben Carreon (RIP) Padre Herminio Dagohoy (OP), Leon Coronel at Norman Reyes at iba pang mga batang pari. 

            Si Padre Enrico  Crisotomo ng Sto. Rosario ay pinag-aaral ng Diosesis ng Malolos sa  Pontificio Colegio Seminario Filipino sa Roma upang tumuklas ng ibayong karunungan pangrelihiyon.

         Si Padre Tirso Tomacruz  ang namumukod tangi dahil sa kanyang kawanggawa, pagtulong at pagtustos sa pag-aaral ng mga seminaristang taga Hagonoy.

         Hindi naiwasan ng ilang pari tulad nina Padre Carmelo Bernardo at Ely Carreon  ang iwanan ang ministeryo at nagkaroon sila ng sariling pamilya.

         Sa kabilang dako, may nagmadre at nagmongha din sa ilang mga kababaihan gaya ni Lourdes Cruz ng Sta. Cruz, Sis. Ana Marie (Anatalia Alvarado) ng Sto. Rosario, magkapatid na Claudia (Udyang) at Remigia (Reming) ng Sta. Cruz (RVM) at Sis. Bantigue (kapatid nin Mons. Bantigue) ng Sta. Monica.

 Go  to Top

United Methodist Church

         Sina Mariano at Valentin Macalinao, pawang  mga biyahero ng pawid mula sa Hagonoy na may puwesto sa Tondo at naglalako nito sa Moriones at Pritil ang nakarinig ng "unang balita" ng ebangelio mula sa mga Misyonero-Amerikano. Kaya't nuong 1902 pa lamang ay may mga kapatid  sa Hagonoy na nagsimula ng pagbabalita ng bagong salita ng kaligtaasan. Ang unang "kulto" at ng mga sumunod pa ay idinaos sa bahay ni Mariano Macalinao sa San Sebastian . Kabilang sa mga naunang tinatawag ay sina Aniceto T. Felipe, Pedro Aduna, Alejo at Agustin T. Cruz, Luciano Gonzales, Eustaquio  Victoria, Narciso Vengco, Lucio Coronel, Castor de Pano, Sergio Velasco, Domingo Lopes, Perecta Torres, Elias Fajardo na halos taga San Nicoals.

        Nuong 1903, ang unang sambahan na nayari sa pawid at kawayan ay itinayo sa kasalukuyang kinatitirikan ng United Methodist Church sa San Sebastian. Ang ipinagpagawa nito mula sa pagtutulungan at abuluyan ng mga nagsisipanampalaya na pawang mahihirap. Ang Unang Pastor noon ay si Reb. Luis Ocampo.

            Tinawag ito na Methodist Episcopal Church at ang unang "Exhortador" ay sina Aniceto T. Felipe at Pedro Aduna na sinundan nina Segundo Danao at Simeon Talimada Cruz. Sa panahon ni Reb. David Candelaria (1938-46), ito ay pinalitan ng United Methodist Church dahil sa pagsasanib ng tatlong malalaking Iglesia sa Amerika.

            Nuong 1964,  muli ipinagawa ang sambahan sa tulong nina Arkitekto. Leonardo J. Victoria at Eng.  Felimon Zafra, Sr. Sa panahon ni Reb. Osias Fajardo, nagkaroon ng "Ecumenical" ang mga katoliko at metodista sa Hagonoy.[Victoria, Pablo , Souvenir Program, UMD, 1902-1985]

            Katatapos lamang ipagdiwang ang ika-100 taon ng pagkakatatag ng United Methodist Church na tinampukan ng iba't ibang aktibidad at gawain sa panguguna ni Reb.  Denni Clavio. Naging masigla, kasiya-siya  at makulay ang pag-aala-alang pagdidiwang na ito lalo na sa mata ng Panginon.

 Go  to Top

Pangkabuhayan

          Ang Hagunoy ay agrikultural na nahahati sa bukirin at panlaisdaan. Ang mga magsasaka ang naglilinang ng kanilang sakahan at umaani ng palay at ibang pang gulay  na higit sa pangagailangan. Samantala, ang mangigisda ay nanghuhuli ng lamang dagat at ang iba ay may-ari ng palaisdaan. Masagana ang kabuhayan noon palibhasa kakaunti pa ang tao at di pa sira ang inang kalikasan. Uso noon ang mga abang, bukatot, baklad, saplad, pukot, palapad, dala, kitang, at bintol , galadgad, Norway,  at iba pa, na paghuli ng lamang dagat/ilog. Kahit ilog ay sagana sa isda, ulang, biya, alimango, at iba pa. Ngunit kabaligtaran sa makabagong panahon,  lubhang apektado  ang tubig ng polyusyon .Ang lahat ng ilog ay pawang mababaw na. Di na nag-aani ang mga palaisdaan. Walang  laman  ang ilog. Wala na ang biyaya ng dagat.  

         Ilang propetaryo ang umunlad sa pamamalaisdaan tulad ng mga Suntay,  Victoriano Raymundo, Maria Crisostomo, Ramona Trillana, Miguel Martin, Dr. Avelino Sebastian,  Piling Cruz, Gregorio Apostol, Lorenzo Reyes, Hilarion Reyes, Alfredo  Panganiban, Pablo Panganiban, Pilong Panganiban, Carlos Panganiban, Eloy Cabral, Hermogenes Perez, Magdalena Perez, Estelita dela Cruz Raymundo, Rufino Crisostomo, Sulpicio  Reyes, David Reyes, Doroteo Reyes, Alejandro Balatbat, Maning Caparas, Narciso Lopez, Temyong de Guzman, Flora Crisostomo, at iba pa.

         Malaking bahagi ng Hagonoy ay bukirin. Ang mga magsasaka ay nabubuklod sa isang samahan na noon ay pinamumunuan nina G. Bonifacio Benedicto at Alfredo Tolentino upang ipaglaban nila ang karapatan ng mga magsasaka sa ilalim ng Land Reform Program. Masagana pa noon ang ani sa kabukiran, puno ng biyayang gulay at ibang pananim. Habang tumatakbo ang panahon, napipinsala ang likas na yaman ng bukiran dahil sa alat na dumadaloy sa Labangan Channel, polyusyon ng tubig, at kapos sa tubig ulan.

         Ang mga bukirin  ay nakatiwangwang na lamang dahil kapos na  sa ani. Iba ay ginawang subdibisyon o bahayan.  Ang unang naghain ng kahilingang magtayo ng isang subdibisyon sa Halang, San Agustin ay si  Dr. Cenon Domingo ngunit hindi ito pinagtibay ng Sangguniang Bayan sa panahon ni Alkalde Perez dahil sa isang Presidential Decree na nagbabawal sa konbersyon ng bukid  na gawing subdibisyon. 

        Ngayon ay  naririyan na ang mga pinakabago at  moderno subdibisyon, tulad  ng Mary the Queen Subdivision sa San Sebastian na pagaari ni Dr Narciso S. Santos; Hagonoy Subdibisyon  sa likod ng St. Mary Academy;  Hagonoy Executive Subdibisyon sa Sto.Nino; Contreras Subdibisyon sa San Agustin na pag-aari nina Eng. Manuel Contreras at Vice Mayor Josie Ramos – Contreras; Villa Clara sa San Sebastian pag-aari ng BPI;  Ramos Subdibisyon sa San Agustin; at Bacoling Subdibisyon sa San Juan.

         Ang paghahayupan tulad ng poultry, piggery, pag-aalaga ng pugo at itik ay laganap, ngunit di na ito kasing sigla tulad ng dati.  Kilala sina Remigio Castro at Geminiano Atienza sa industriya ng pagmamanok at Rus Hernandez, sa babuyan. Ang pagaalaga ng baboy  ay isang paraan para madagdagan ang kita ng isang pamilya upang pag-aralin ang kanilang mga anak. Ito’y naging laganap sa Sta. Elena, Iba, San Pablo at San Pedro. Sa balutan naging sikat ang San Agustin at Sta. Monica.

         Sa paghahalaman, naging sikat, tampok  at nanguna ang Bulacan Garden, kabilang na ang mga maliliit na may-ari ng halaman sa paso mula sa San Pedro, San Pablo, Karilyo, San Agustin, Palapat, Abulalas,  at Iba.

         Sa larangan ng pagtitingi, marami ang nagluluwas ng paninda, gulay, isda at iba pang produkto ng Hagonoy sa iba’t ibang lugar. May Pamilihang Bayan sa kabayanan,  Sto. Rosario, San Agustin at Mercado. Ang Mercado (isang salitang kastila na ang ibig sabihin ay palengke)  ang nagkaroon ng  kauna-unahang munting palengke sa mga barangay.

         Naging sikat at matagumpay ang Wood Craft Cruz Special ni G. Pablo T. Cruz ng San Nicolas sa paggawa ng upuan, hapag at higaan na yari sa kawayan. Ang produkto niya ay inilako sa Hiyas ng Bulakan, ibang pamilihan dito at sa ibang bansa. Sa San Nicolas naging bahagi ng buhay ang pamamawid or paggawa ng pawid mula sa sasa . Si Gng. Laring Manahan Balatbat ang nanguna sa industriayang ito. Marami sa mga taga San Nicolas ang may trak na pambiyahe ng mga pawid sa iba’t ibang lugar. Ang pawid ang pangunahing gamit sa atip o bubong ng bahay.

        Ang ibang pinagkakakitaan ng mga mamamayan ay ang  pagiging kawani  o mangagawa dito at sa ibang bansa, o dili kaya'y may sariling hanapbuhay. May mga Overseas Filipino Workers: landbased, seabased at performing artists. Ang mga may skills ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ang mga magdadaragat (seafarers) ay sumasakay sa mga barkong pangkargamento, pampasahero o tankers.

         Sa industriya ng pagbabarko, sina  Kapt.  Monico Manlapig, Kapt. Macario Perez, Kapt. Teodoro Bartolome, Kapt. Jose Cruz, at Kapt. Juliano ay ilan lamang sa mga nagmando ng barko. Si Kapt.Manlapig ay nag may-ari  ng Seahorse Shipping Agency na malaki ang naitulong sa ating mga kababayang magdaragat. Sina Bise Mayor Josepine R. Contreras ng Marino Shipping, Capt. Juliano, Capt. Bartolome at Bernie Tamayo ng Tibaguin  ay napaloob din sa industriya ng pagbabarko.

         Sa industriya ng langis, si Leonardo P. Caparas ng San Sebastian ay naging matagumpay sa paggugol ng higit sa dalawanpung taon sa oil / gas rig operation. Siya’y nagtayo Southeastern Shipping at South Ocean, ang ahensiya na nagpapadala ng mga mangagawang Filipino sa oil / gas rig. Nagtayo din siya ng isang training center para maging sanayan ng mga aplikante na gustong magtrahhabo sa oil / gas rig. Ito ang Oilwll Drilling Technology Development Center, Inc/. # 98 A Road 1 corner Road 3, Project 6, Quezon City, Philippines. 

         Ang paggawa ng lambat sa panggisda ay sunubaybayan ni Alkalde Trillana at sa panggasiwa ng mga Gozamo ay naging magumpay ngunit hindi rin nagtagal. Ang  pananahi ay naging bahagi ng buhay ng mga kababaihan. Ang ibang babae ay nanahi ng belo at damit sa kanilang bahay o shop. Si Fe Tanjutco  ang may pinakamalaking tahian sa Sto. Nino. Si Isaac Tanjutco naman ay nagtatag ng MARINA Industries  sa Halang na dito ipinoproseso ang mga sugpo.

         Nuong 1947, pinasimulan naman  ni Cipriano Villanueva ang pondohan ng isda sa San Pascual na hanggang ngayon malawak na at ganoon din sina Gregorio Tamayo at Dominador Francisco naman sa Alakan, Sto. Rosario. Ang huli ay hindi nagtagal. Sa kasalukuyan, ang ponduhan ng sugpo sa Sto. Nino ay matagumpay na operasyon na doon isinasagawa ang paghango ng sugpo ng  mga mamimiling galing pa sa iba’t ibang lugar.

         Ang Alakan ay dating pag-aari ng mga Elizalde ay naging gawaan ng alak  mula  sa tuba ng sasa katulad ng  alakan sa Mercado. Ang lugar na ito ay ginawang himpilang pansamantala ng “American Liberation Army”. Ngayon pag-aari na ito ng mga Pamilya ng Marcelo Balatbat at ginawang bahayan na.

Nuong mga taong 1947-52, ang mga batang nagnais kumita sa sariling sikap ay nagtinda ng diyardo mula kina Tomas Mangahas at Baltazar Martin at inilago nila ito sa mga nayon. Gayon ang iba ay nagtinda ng ice candies mula sa munting pagawaan ni G. Simeon Carpio, ng pan de sal mula sa panaderya Sampaguita ni Yama. Nito mga huling taon ang pagawaan ng kendi ni Adong ng San Jose ang sumikat at nagbigay ng trabaho sa marami.

 Go  to Top

Palaisdaan ng Pamahalaang Bayan

         Bahagi ng pinagkakakitaan ng Pamahalaang Bayan ng Hagonoy, katulad din ng Simbahang Katolika na may Confradia, ay may mayroong palaisdaan na nagsasampa ng malaking halaga. Nuong taong 1968 ang kita sa buwisan ng naturang palaisdaan ay umaabot lamang sa P103,000.00 isang taon sa humigit kumulang na 400 hektarya. Mababa ang  pabuwisan na itinakda dahil sa isang kasunduan na kung sino ang makakabuwis ay dapat kunin at ibalik ang dating sukat na nakuha ng dagat (reclaimed). Ngunit isa man sa mga mamumuwisan ay di tumupad. Bawal din ang subleasing, ngunit marami ang gumawa nito.  Isa sa mga ipinaghain ng sumbong kaugnayan ng ganitong kaso ay si G. Marciano Domingo ng Sta. Maria, Bulakan at isang Gonzalo David ng Tondo, Maynila.

         Naging adhikain ni Kon. Ato Bautista na gumawa ng pag-aaral kung papaano ito muling maisusubasta sa mataas na halaga.  Humingi siya ng legal opinion ng Provinvial Fiscal Office at ipinabatid ni Prov. Fiscal Pedro Ofiana na hindi maaaring isubasta ito  hanggang hindi pa natatapos ang kontrata. 

         Nang dumating ang Martial Law, muli niyang sinubukan makakita ng liwanag. Gayon din ang sinabi na noon ay Min. Ronaldo Zamora ng Legal Department ng Malakanyang. Sa tulong ng sulat ni Min. Ople, ipinadala nila ang kahilingan sa pagrerepaso ng mga kontrata sa Tanggapan ni Johnny Tuvera, Presidential Secretary at Tanggapang ni Min. Vicente Abad Santos, Kagawaran ng Katarungan. Nagbigay ng legal opinion si Min. Abad Santos sa pabor ng pamamahalaan na maaaring maghain ng paghahabol sa Hukuman sa Bulakan at kasama dito ang paghahabol sa isang parsela ng palaisdaang napatituluhan sa ibang tao. Ang legal opinion ng  Kagawarang ng Katarungan ay nalathala sa Bulletin , Nov. 1, 1976 sa pagkakasulat ni Linda Bolido.

         Sina Kon. Eloy Cabral at Kon. Ato Bautista ay sumangguni kay Abogado Angel C. Cruz ukol sa kasong ito. Sa tulong ni Min. Blas Ople, Punong Bayan Perez ang kaso ay inilapit sa Angel C. Cruz Law Office sa Intramuros, Manila. Sa isang pagpupulong sa Army and Navy Club,  napagkasunduang maghain ng tumpak na kaso sa Hukuman ng Bulakan. Kaya’t, nuong Hulyo 1977, ang bumubuo ng Sanggunaing Bayan at Punong Bayan Perez ay lumagda sa “information sheet” para ihain sa Hukuman. Sa pagdinig ng kaso, isa si Abogado Ciriaco Atienza ng Angel C. Cruz Law Office ang humarap sa pagdinig. Subalit, sa kalagitnaan ng panahaon ng kaso, naghain ng petisyon ang mga kalaban sa Korte Suprema para madiskuwalipikado ang Angel C. Cruz Law Office sa paghawak ng kaso.  Kinatigan sila ng Korte Suprema dahil hindi pinahihintulutan ang pamahalaang local na kumuha ng pribadong abogado habang ang serbisyo ng  Tanggapan ng Piskal Probinsiyal ay available. Natapos ang kaso sa panahon ni Alkalde Alvarado. Mula noon hanggang ngayon nagtatamasa ng mataas na buwis ng pamahaalan.

         Ukol naman sa isang parsela ng palaisdaan na napatitulohang ng isang tao ay hindi na nahabol. Ang parselang ito ay ipinabuwisan kay G. Felix Reyes ng Malolos, Bulakan at hindi malamang kadahilan, ito’y naging pag-aari ni G. Jose Santos ng Malabon. Ang parselang ito ay nasa bukana ng Wawang Mayhagunoy na minsan ay nabuwisan ni G. Alfredo Panganiban ng San Pascual.

         Sa kasalukuyan, ito ang datos ng naturang mga parsela na matatagpuan sa Pugad at Tibaguin at nagsasampa ng humigit kumlang sa tatlng milyong piso (Php 3M)

Parsela Blg.

Hektarya     

 

 

Lot   1                      

  37            

 

 

Lot   2

  98

 

 

Lot   3

  68

 

 

Lot   4

  38

 

 

Lot   5

  21 

 

 

Lot   6

  74

 

 

Lot   7

  76 (lubhang nasira at napabayaan)

 

 

 

 

 

 

 Go  to Top

Pang-Edukasyon

         Hindi na  mahuhuli ang Hagonoy sa pagtuklas ng karungunang pang-edukasyun.  Noon di lahat ng nayon ay may mababang paaralan. Lahat ay sa Hagonoy Elementary School nagsisipag-aral hanggang ang mga nayon ay nagkaroon ng kani-kanilang paaralan.

        Ang mga masisipag at matitiyaga ay nag-aral sa kabayanan. Panay lakad lamang nuon ang mga mag-aaral sa pagpasok ng paaralan dahil wala pang jeep o tricycle.

         Pagkatapos ng ika-pitong grado, ang iba ay nagpatuloy sa Marcelo del Pilar High School sa Malolos, dahil wala pang high school sa Hagonoy.  Ngayon, di na problema ang papasukang paaralan. Bawat barangay ay may mababang paaralan.at ang iba ay may barangay high school pa.

         Sa kasalukuyan, ang Hagunoy ay mayroong bilang ng paaralan gaya nito: 

Pre-school

27

Elementary

33

Secondary

  7

Tech. School

  1

Day Care Centers

26

         Ang St. Anne’s Academy ay pinasimulan ng mga madre ng Religious of Virgin Mary (RVM). Binago na ang pangalan nito sa St. Mary Academy na may gusaling bagong tayo. 

        Ang Hagunoy Institute ay itinatag nuong 1927  ng ang mga naunang mamamayang nagmalasakit sa edukasyon ng mga kabataan. Ipinagpatuloy ito ng Board of Directors na binuo nina G. Deogracias Flores, Amado Caballero, Jose Sy Santos, Marta B. Zuniga at sa bandang huli nasapi si  Gng. Ramona Trillana na siyang nagpatayo ng gusali sa Mabini St., San Sebastian nuong 1956. Dito nag-aral si Kalihim Blas F. Ople, Sa kasalukuyan ito ay ipinalalakad at pinamamahalaan ng isang Board of Directors na binubuo nina Gng. Asuncion R. Trinidad, Chairperson, Gng. Melita C. Dionisio, Gng. Victoriana T. Crisostomo, G. Ruben B. Martinez at ang legal na taga pagmana ni Gng. Elisea B. Banag na sumakabilang buhay nuong Marso, 2003.

        Ang St. Anne’s College, itinatag  ni Pare Tinoy Rodriquez, isang high school (Boy Department) at  nag-offer din  ng Elementary Teacher Certificate (ETC) Course  na pinamunuan ni Gng. Valenta Garcia, bilang Punong Guro at  Dekano Raymundo Garcia, bilang dekano.  Isinara ang ETC matapos  ang gradwasyon nuong 1952 kung saan ang naging panauhing pangdangal at tagapagsalita ay walang iba kundi si Vice Pres. Fernando Lopez. Ang St. Anne’s College ay naging St. Anne’s Academy (Boy Dept) at ngayon ay St. Anne’s Catholic High School na ang Director ay si Mons.Macario Manahan. Ang United Methodist Church ay nagtatag din ng isang "Ecuminical' School.

            Ang Holy Child School of Hagonoy sa San Agustin nina Gng. Perla Alfonso at Godwin‘s Learning Center sa Mary the Queen Subd. sa San Sebastian nina Marivic Aquino, ay itinatag sa paglilinang at paghubog  ng murang isipan ng mga batang mag-aaral.

            Marahil nuong mga taong 1950, si Padre Virgilio Soriano ay nagtatag ng St. Anthony High Shool sa Iba ngunit hindi  ito nagtagal  at nasara.

            Nuong 1954, si dating Mayor Ramona Trillana ay nagbukas ng Southern Institute sa Sto. Rosario. Halos sabayang taon, ang pamilya naman  nina Deogracias Flores, ay nagtayo ng Northern Institute sa San Juan, na naging Victorino Flores Memorial Institute.

             Hindi naiwasan ang pagdami ng mga mag-aaral. Kinailangan ang mga Barangay High School upang tugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya sa pagpapaaral sa kanilang mga anak.

             Sa pagtutulungan ng Kura Paroko, Padre Eling Carreon, ng Iba, sampu ng Sangguniang Nayon sa pamumuno ni Kapt. Trinidad Santos,  IBA PTA  at  Sangguniang Bayan sa pangagasiwa ni Alkalde Maria Santos, naitatag ang Iba Barangay High School. Ang unang Punong Guro dito ay si Bb. Melania Torres. Pagkatapos nito, sinubok ni Konsehal Ato. Bautista na makuha ang suporta ng mga panunuan ng Sangguniang Nayon ng Sta. Elena at Sgda. Familia sa  pagtatayo ng katulad na high school ngunit nabigo siya. Sa pagsasaliksik niya ang mga mag-aaral sana mula sa Pugad, Tibaguin, St. Elena, Sgda. Familia, San Pablo ang mabibiyayaan nito kung ito’y di sinagkaan ng hibong pulitika.

              Matagumpay ang pagtatag ng mga barangay high schools sa Sta. Monica, San Pedro at Sto. Rosario. Ang Southern Institute, na kung saan nagtapos si Kinatawan Willy Sy Alvarado,  ay ipinagkaloob ng Pamilya Trillana sa Pamahalaan Bayan sa panahon ng Pangasiwaan ni Alkalde Alvarado, na nagtapos sa Southern Institute. Ito'y pinalitan ng pangalan na Mayor Ramona S. Trillana High School.  Ang Victorino Flores Memorial Institute ay nasara dahil sa pagbubukas ng ilang Barangay High Schools na malapit.  Ang Hagonoy Institute ay lubhang nakadama ng bawas ng bilang ng mga mga-aaral dahil sa pagsibol ng mga  Barangay High School sa Sto. Rosario, Sta. Monica at San Pedro.

             Sa obserbasyon ng iba, ang bawat klase  dito ay labis sa takdang bilang ng mga magaaral na itinakda ng batas. Dahil kulang o kakapusan  sa bilang ng  silid paaralan, nagsisiksikan ng mga magaaral. Baka ito tuloy ang maging dahilan ng pagbaba ng kalidad ng pagtuturo.

             Ang Hagonoy Institute ay nagbukas ng Hagonoy Institute of Techonology nuong 1994 para sa mga kurso ng Computer Science at Mechanical / Electrical Technology. Ito ang kaunaunahang paaralang pangteknologiya sa bayan, na may pagpapatibay ng TESDA BULACAN.

             Ang Paaralang Pambayan ay nahati sa dalawang distrito: ang West District at East District ngayong School Year 2002-2003: 

Partikular

West District

East-District

    Total

Supervisor

1

1

2

Teachers

  208

213

  421

Barangay

13

13

26

Pupils

            8,303

      11,500

    19,803

Go  to Top

Mga Prospeyunal

        Sa kabila ng kahirapan, maraming anak-Hagunoy ang nagsunog ng kilay sa pagtuklas ng karunungan sa iba’t ibang larangan, tulad ng mga sumusunod: pagtuturo, batas, mangagamot,  engineering, architecture, agriculture, military science, komersiyo, arts, at iba pa.

         Sa mga edukador kabilang sina Dr. Dalmacio Martin, Pavia C. Castro, Leticia Salazar, Dr. Salud del Rosario-Joaquin, Dekano Raymundo Garcia,  G. Fortunto Narciso, Virginia Hernandez,Pavia C. Tomacruz, Pilar Santos, Dr. Gavino Carpio, Milagros Liongson,Mercedes S. Santos,  Dr. Ofelia Lacas,  Melita Dionisio, Dr. Carolina Payongayong Danao.  Jose Santos, at Alfonso Tolentino mula sa Paaralang Pambayan; Sa Pribadong Paaralan naman ay kabilang sina Gng. Valenta Garcia, Ramona S. Trillana, Saturnina Flores,  Elisea B. Banag, G. Amado Caballero, Deogracias Flores, Tirso Joson, Antonio Tamayo, Jaime Sumpaico, Salud Reyes at iba pa.

         Sa mga batikang abogado, kabilang sina Don Ambrocio Santos, Pablo S. Trillana III, Maximino Tolentino, Pascual Lakas, Conrado Mangahas, Franscisco Estrella, Popoy Reyes, Angel Cruz, Arturo Cruz, Ingco, Amado Reyes, Elpidio Santos, Dominador Catalig, Modesto Flores, Hector Crisostomo, Franscisco Jose, Domingo Reyes, Fortunato Panganiban, Nathaniel de Pano, Ruben Reyes, Ciriaco Atienza, Felipe Magat, Hector Crisostomo. Rosario Cruz, Benigno Vivar, Feliciano Torres, Jose Torres, Amor Reyes, Gloria Santos, Tirso Reyes, at iba pa. 

        Naging huwes sina Tirso Reyes, Elpidio Santos, Arturo Cruz, Fortunato Panganiban, Cecilio Villanueva,  Pascual Reyes, Jose Bautista,  Rosario Cruz, Amor Reyes, Maximino Tolentino, Catalino Laderas, Cristita Tamayo, at Jose Torres.  Naging Mahistrado ng Hukuman sa Paghahabol sina Nathaniel de Pano at Mahistrado Ruben Reyes. Naging Piskal naman si Feliciano Torres.

            Sa mga manggagamot, kabilang sina Dr. Agapito Balatbat, Perseveranda Robles Espino, Pedro Reyes, Ignacio Dionisio, Rufino Crisostomo, Jose del Pilar, Avelino Sebastian, Jose Carasig, Renato Carasig, Santiago Panganiban, Juan Santos, Jesus Tomacruz, Mamerta Catalig, Maria Garcia Santos, Augusto Trillana, Hernani Pulumbarit, Zotico Centino, Elmer Carasig, Pedro Santos, Ricardo Trinidad, Narciso Lopez, Alipio Roque, Damaso Salvador,  David Jose, Francisco Jose Pedro Santos, Poncing Soriano at iba pa. 

            Si Dr. Trinidad ay naging Region III Director at Dr. Centeno, Director ng Mayor Emilio G. Perez District Hospital. Si Dr. Salvador ay naging iang sa mataas ng opisyal ng V. Luna Hospital. Ang mga nurses na naglingkod ng buong tapat ay sina Eurofrocina Gueverra, Raquel Lina, Cecil del Pilar sa makabagong panahon at si Anicia Reyes naman sa lumipas na panahon.

             Sa larangan ng pagguhit, sumilang ang  Hagonoy Art Group na itinatag ni Phillip Victor. Ito ang kauna-unahang grupo at pinakamalaki sa buong Bulakan. Napatanyag sina  Pablo Victoria, Dekano, College of Fine Arts, UE, Cenon Rivera, Dekano, College of Fine Arts, UST, Phillip Victor, Installation and Experimentalist artist, Al Perez ng Sta. Cruz, Representative Artist , Carlos Cadid ng Tibaguin, Realism Artist,  Gliff Victor ng Sgda. Familia, Folk Surreal Artist, Mark Victor, Sgda. Familia, Cubism Artist, Reyes Reyes, Inspirational Artist..

             Si Felino T. Leon ay nag-ambag   ng malaking kontribusyon sa  larangan ng arkitektura. 

             Si Engr. Fortunato Reyes ng Mercado,  Dalmacio Ramos ng San Agustin, at mga Ablaza ng San Nicolas ay matagumpay sa larangan ng konstrukyon. 

            Si Engr.Serafin Vasquez ng San Jose ay nagpanukala ng isang malahiganteng prohekyo na pagpapagawa ng coastal highway mula sa Vitas, Maynila  hanggang Bataan. Ang prohektong ito ay  ipinagtibay  ng dating Pangulong Marcos ngunit di na natuloy. Sina Engr. Felimon Zafra at G. Melencio Raymundo ay nanguna sa mga pagawaing bayan.

             Sa mga dentista, sina Gabriel Morales, Conrado Salamat, Rodrigo Concepcion, Bernardo Balatbat, Eugenia Reyes, Igmedio Reyes, Mariano Perez, Estilita Ramos Oilivas, Romy Domingo, Daniel Cruz, Pacifico Ramos, Marites Zuniga-Santos, Bernardo  Teddy Reyes  ang ilang nagpaimbulog ng kakayahan sa paglilingkod. 

            Gayon din ilang mga Optiko na naglilingkod sa bayan tulad ni Dr. Valentin Roque, Sr., Dr. Valentin Roque, Jr., Ruby Reyes Cabral, at Ana Da Jose Reyes.

             Lalong higit na liwanag ang pagsikat ng isang mekaniko, G. Jose Hernandez,  mula  Olandes, Mercado sa  pagpupunyaging mapaunlad ng kanyang negosyong pangtransportasyon, ang Victory Liner, na may linyang Colookan at Pasay patungong Zambales, Baguio, Nueva Ecija at Aparri.na kanyang itinatag matapos ang digmaan. Siya ang nagpasimula ng paggagawa ng sabong panlaba sa panahon ng digmaan. Ang pamamanihala ng Victory Liner ay ipinagkatiwala niya kay G. Eugenio Trinidad, bayaw niya, katulong sina G. Lucio Santos at Celestino Dalmacio. Si G. Hernandez ang namanihala sa talyer or shop nito. Ngayon, mga anak nila ang nagpapatuloy ng kanilang gawain sa paglilingkod. Samantalng si Vic Trinidad ang namanihala sa TRITRAN na nagbibiyaye mula Cubao hanggang  Lucena at Batangas

             Sa sining ng panulat, panitikan at mass media,  ang Hagonoy ay hindi pahuhuli sa ibang bayan. Nandiyan sina  Apo Amado V. Hernadez ng Sgda Familia at Rolando Bartolome ng San Jose na kapuwa Palanca Awardees. Si Ka Uding ay batikang radio commentator na walang takot ng pumuna at bumatikos at makatarungan kung pumuri. Si Jane Panganiban ng San Juan, dating guro, ay isang radio commentator. Si George Carino ng Sta. Elena ay isang radio reporter naman. Si Rod Reyes, manunulat, humawak ng matatas na puwesto sa pamahalaan tulad din ni Federico Mangahas. Sa pagsulat ng mga aklat aralin at ilang aklat, nandiyan   si Jose Salazar  na walang sawang pinudpod ang tasa ng kanyang panulat sa pagkatha. Sina Tomas Santos at Ricardo de Luna ay nakilala sa pagsusulat sa Liwayway at ibang babasahing Tagalog.Si Hen. Miguel Coronel ay sumulat ng Pro Democracy People's War, 1991 at si Tomas F. Agulto ng Sgda. Familia, ang Pinakamagandang Babae sa Sta. Elena, 1989. Si Kon. Cesar Villanueva ay kumatha ng isang awit, "HAGONOY" nuong 1977 at nilapatan ng titik ni Celerina D. Jumaquio at ito'y naging Opisyal na Awit ng Hagonoy sa pagdiriwang ng ika-400 taon ng Krisyanisasyon ng Hagonoy nuong 1982.

            Sina Jaime Sumpaico at Manuel Guevarra ay gumamit din ng talim ng panulat sa pagpapahayag ng katotohanan lalo na ang ukol sa pananampalaya. Si Dr. Dalmacio Martin gumamit ng panitik sa pagsulat ng aklat na ginamit sa edukasyon at pinasimulan niya ang pagsulat ng kasaysayan ng Hagonoy ngunit hindi natapos dahil inagaw siya ni kamatayan. Si Franscisco Calalang ay nagsaliksik at sumulat ng kasaysayan ng Bulakan. Si dating Konsehal Dr. Jose Sy Tamco ay sumulat at nagsalin sa Tagalog ng Diksyunaryong Pangmedisina. Si Mons. Jose Aquinaldo ay sumaulat ng maraming babasahin ukol sa pananampalataya, samantalang si Atty. Pablo S. Trillana III ay sumulat naman ng Loves of Rizal.

Go  to Top 

 

Musikahan, Awitan, Pinilakang Tabing at Kultura

             Sa sining pang-emtablado, ang Samahang Pagpalain nina Kiko Cruz at Mat Torres ng Sta, Monica ang nanguna. Ang sinakulo ay naging tampok din sa ang  San Sebastian,San Agustin, Sta. Cruz at Sgda. Familia. Naging makasaysayan ang pagganap ng mga piling kabataan ng San Sebastian sa pagpapalabas ng kauna-unhang Jesus Christ Superstar sa Puso ng Hagonoy. Ang gumanap na Kristo ay walang iba kundi si Konsehal Cesar Villanueva. Sa panahon ng semana santa, ang mga may panata ay naghahampas, kung tagurian ay “hampas dugo” at lumalakad sa barangay tungo sa simbahan. Dumadapa sila sa sandaling nakadinig ng awit ng pasyon mula sa aklat ni Padre Pilapil. Sa pagdapa nila, hinahampas sila sa puwitan. Ang iba ay nagpapasan ng krus na kahoy.

             Sa pag-awit, naging tampok sina Boy Sullivan at ang kanyang Haring Solomon and Group at si Mar Lopez, na mayroong programa sa DWIZ. Si Florence Aguilat at Anabel Rivas ay napatampok din sa pag-awit. Sa pinilakang tabing nauna ang batang si Armando Santos ng Sgda. Familia. Lagi siyang kasama ni Efren Reyes (ama). Si Franciso Cruz, kikila sa tawag na Kiko ay lumabas sa di mabilang na pilikulang Tagalog  Patuloy naman ang pagsikat ni Timmy Cruz ng San Juan. Si Leny Flores ay natanyag din nang siya’y pumagalawa kay Regine Velasquez, sa Tawag ng Tanghalaan.

             Ang matandang sinehan ng bayan ay ang Sun Theater. Nasara ito sa panahon ng digmaan at nagbukas uli matapos nito. Isang sinehang itinayo ni G. Semon Rodriquez  sa Alakan, Tangos, Sto. Rosario ngunit  hindi ito nagtagal. Ang Azucena Theater ng mga Santos at pagkatapos ng mga Soriano, ay nabuksan rin sa kabayanan. Ang sinehan sa Puso ng Hagunoy ang huling itinayo ni Abogada Lourdes Lontok-Cruz..Ngunit lahat ay nasara dahil wala  na halos nanunuod ng sine kaalinsabay ng pagdagsa ng video tapes.

             Ang rondalya ay  nina Melencio Medina ng Sta. Cruz, Dominador Bautista ng  San Nicolas, Maximo Reyes ng Sto. Nino at Lucio Santos ng Sto. Rosario, pawang mga guro ay naging palasak at sikat.  Ang Kombatshero ay umagaw din sa eksena ng tugtugan. Pinakasikat noon ang pangkat ng taga San Nicolas sa pangagasiwa ni G. Tomas Atienza at ng taga San Jose.

             Napatanyag ang Hagonoy sa tutugtugan ng musiko sa ilalim ng baton ni Prop. Felipe T. Leon. Kabilang dito ang pinakasikat sa pagtugtog ng klarinete na si G. Kanor Castro, ng Banda Malaya. Lagi ito napapasabak sa paligsahang  pambansa at nag-uuwi ng tagumpay.  Kilala rin sina Benigno Villanueva, Agaton Gregorio, at Ninoy Dionisio ng San Sebastian  kung banda ng musiko ang pag-uusapan. Kilala si Jose Robles ng Sto.Nino sa pagiging isang propesor sa musika. Sina Dr. Hernani Pulumbarit at dating Konsehal Jose Santos ay kilala sa pagtugtog  ng saksopon

             Palibhasa ang Hagonoy ay isang bayang katoliko, kayat ang pistahan sa bawat Baranggay ay taunang ginaganap. Ito’y bahagi ng kaugalian ng mga tao na magpahayag ng pasasalamat sa mga biyayang tinanggap nila  mula  Diyos sa pamamagitan ng mga patron o patrona. Pinapalamutihan ng makukulay na gayak ang buong barangay. Unang sumikat ang Sto. Nino sa pagkakaroon ng pinakamagandang palamuti sa lansangan na hindi ito mapantayan ng ibang barangay.  Ang mga banda ng musiko ay naglilipot. Nagseserenata kung gabi at ito’y pinagdadayo ng mga tao. Ang sarsuwela or musical jamboree at kantahan sa patyo ng simbahan ay ginaganap. Ang higit na binibigyan ng pansin ay ang pagdadaos ng katuparan ng pasasalamat sa Diyos, ang misa kantada o dalmatika. Pagkatapos ng misa, nagdadaos ng prusisyon ng mga patron na sinasamahan ng mga  hermano/hermana at kapitan/kapitana at ng  may mga  panata. Isa sa mga pinakasikat, tampok at pinagdadayo ay ang kapistahan ng St. Elena at. Sta. Ana.

             Naging pinakatampok na misa ang High Mass na isinagawa ng Obispo Vicente Reyes, ng Maynila nang ang Hermano Mayor ng pista ng Sto. Rosario ay ang dating Konsehal Victoriano Raymundo nuong 1951. Ang mga seminarisrta ng San Carlos Seminary ay nagsi-awit sa misang ito.

             Isang kaugaliang maituturing ang santakrusan tuwing sasapit ang buwan ng Mayo.  Ito’y pagpapaala-ala sa pagkatuklas ng Sta. Cruz ni Sta. Elena. Ang  Reyna Elena ay ang pinakatampok sa selebrasyon. Siya ang ipinapalagay ng pinakamagandang  dilag sa  gabi ng pagdidiwang. Kasama niya ang isang bata na kumakatawan kay Emperador Constantino, anak ni Emperatris Elena.  Maraming dama at tauhan ang kasama sa okasyong ito.

             Sa sining ng pagbigkas ng tula ay nanguguna sina  G. Ciriaco Francsico ng San Nicolas, Fe Aguialdo Sumpongco ng San  Jose, at G. Manual Guevarra ng Mercado.

 Go  to Top

 

Kalusugang Pambayan

             Palibhasa wala pang manggagamot noon, marami ang nagtiwala sa manghihilot at albularyo. Uso ang patapal-tapal ng dahon, pag-inom ng pinakuluang dahon or ugat ng halaman na paglunas sa karamdanan. Pati ang panggaganak sa mga hilot ipinagkatiwala ng ating mga magulang.

             Sa pag-unlad ng siyensa at teknolohiya sa panggagamot, marami na ang naging manggagamot na nagliligkuran sa mamamayan.

             Ang Puericulture Center na itinatag ng pangkat nina Dra. Perseveranda Robles-Espino, Nurse Anicia T. Reyes,  Ms. Marta B. Zuniga,  at Nana Oray Balatbat Bautista, Kamadrona,   para sa pangagalaga ng mga sanggol na anak mahirap. Ang Center na ito ay tinutustusan lamang sa pamamagitan ng kusang-loob na donasyon ng mga mamamayang makabayan. Ang pangasiwaan ni dating Punong Bayan Hermogenes Perez ay naglaan na regular na pondo at nagtalaga ng ilang katulong sa pagpapatuloy ng paglilingkod nito sa mga mahihirap.

             Ang Pambayang Heatlh Center  ay pinaunlad ang paglilingkod sa bayan. Sina  Dr. Agapito Balatbat, Dr. Santiago Panganiban,  Dr. Juan Santos at Dr. Totoy Tobias ay matagal na gumabay at naglingkod dito.  Pinalaganap ang paglilingkod nito sa  mga barangay sa paglalagay ng 18 Medical  Centers  at  may nakatalagang Kamadrona o Nurse, ilan ay may doctor pa, tulad nina Dr. Rommel Pajela, Hernani Pulumbarit at Purificacion T. Raz at Dentista na si Dr. Teddy Reyes.

             Sa pagsusumikap ng dating Punong Bayan Emilio G. Perez, kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan,  isang district hospital ang naitayo sa tulong ni Kinatawan Teodulo Natividad.  Ito’y kilala sa tawag na Mayor Emilio G. Perez District Hospital. Dapat sanay naitayo ito sa coastal area ngunit walang lugar na napagtayuan. Isinaalang-alang din na bilhin ang lote ng mga Ramirez sa puno ng tulay ng Sto. Rosario at San Nicolas ngunit hindi naganap. Kaya, itinayo ito sa   hardin ng Hagonoy Elementary School. Ang unang direktor nito ay  si Dr. Jose Buhain.

             Ang mga ibang panimulang gamit dito ay ipinagkaloob ng US-AID sa pamamagitan ng tulong ni Kal. Marcelo Balatbat. Ito rin ang naging paksa/ugat  ng hindi pagkakaunawan nina Alkalde Santos at Kon. Ato Bautista na humantong  sa pagsisiyasat ng Inquest Piskal  ng Bulakan, Prov. Piscal Vic Ventura. Sa tulong ng Bulacan Medical Association ay nanatili siya ng ilang araw sa hospital at  Kal. Syquio at Ople, para sa kanyang  “house arrest” na lamang. Ang kaso ay naglaho din. Minsan ito’y naging paksang pulitikal sa kampanya nang siya’y tumakbo sa Pangalawang Punong Bayan laban sa ngayon ay Pang. Punong Bayan Josefina R.  Contreras.

             Sa kabilang dako, sina Dr. Pedro Reyes ay nagtayo ng Sta. Ana Hospital at si Dr. Ignacio Dionisio naman ay St. Ignatius Hospital, kapuwa nasa San Sebastian. Ngunit hindi ito nagtagal. Si Dr. Batallones naman ang  pansamantalang gumamit ng Sta. Ana Hospital hanggang siya ay nagtayo ng San Agustin General Hospital. Ang pinakabagong hospital ay ang Divine Word sa Halang.

             Nuong Martial Law, ang pamahalaan nasyunal  ay laging nagpapadala ng kahong-kahong gamot na maytatak na MARCOS. (Medical Aid to Rural Communties and Other Sorties)

             Sa ilalim ng bagong Local Government Code, ang mga pagamutan at medical centers ay ibinigay sa mga pamahalaang lokal ang pamamanihala at paglalaang ng sapat na pondo sa operasyon nito.

             Madalas din ang mga medical mission sa panguguna ng Tanggapan ng Punong Bayan sa bawat baranggay kasama ang  mga piling doctor na galing sa Maynila  o ibang lugar para paglilingkuran ang mga mahihirap na maysakit.

Ayon sa ulat ng Health Center para sa taong 2002, ito ang mga bilang ng mangagawa at naitalang datos na may kinalaman sa kalusugan.

Doctors-3; Nurses - 4; Medical TEchnologist - 1; Dentists - 2; Dental Assistant - 1; Non-Technician - 1; Midwives- 22; Engineer/Sanitary Inspectors - 2; Active Barangay Health Workers - 149  at Traineed Birth Attendants - 10;

            Sa pangagalaga ng kapaligiran, ang Hagonoy may bahay ng sanitary toilets - 14,728;  may sanitary garbage disposal - 14,728; may kompletong sanitation facilities - 14,728; Gayon din, mayroong food establishments -508; may sanitary permits - 508; food handlers- 689 at may sanitary permits - 689.

            Ang bilang ng ipinanganak ay 647. ang lalake - 329 at babae -318. Ang bilang na namatay ay 647. Ang lalake - 329 at babae -318. 

 

 Go  to Top

Mga Inprastraktura

                Pagkatapos ng digmaan, si Alkalde Dominador Catalig ay nagsikap na maisaayos ang mga lansangan at gusaling pambayan na sinira ng digmaan. Palibhasa, kapos at sapat sa gugulin,  ang mga lubak-lubak na lansagan ay pinagtambakan lamang ng lupa na galing bukid. Kayat pag-umulan o bumaha, muling nagkakalubak lubak hanggang ito’y  taguriang “Sapang Catalig” Nauso ang pagtatambak ng bato o kaskaho at graba sa mga lubak, di  rin nagtagal dahil sa ulan at baha. Nakakalunos ang kalagayan ng lansangan nuon.

             Ang ilang bahagi ng lansagan ay napasemento sa pamamagitan ng Pork Barrel ni Cong. Teodulo Natividad. Ang mahabang bahagi ito, sa pamamagitan ng US AID matapos ng baha nuong 1972, sa pagsusumikap ni Kal. Blas Ople at Alkalde Perez at Sangguniang Bayan. Ito’y sumakop  mula sa  San Juan, San Pedro, San Pascual, San Jose, Mercado, Sto. Rosario, Sta. Cruz, San Sebastian at San Nicolas. Ngunit ang kahabaan ng lansangang Sgda Familia at Sra. Elena ay napasemento sa pagpupunyagi ni Konsehal Ato. Bautista sa pamamagitan ni  Kal. Blas Oples, Kal. Baltazar Aquino ng Dept. of Public Works sa  tulong ni G. Leonardo Balatbat,  Poling Arellano, Serafin Vasquez at Benigno Villanueva. Ang ilang bahagi ng kalsada ng Sgda. Familia at Sta. Elena ay ipinasemento ni Alkalde Perez na ang pondo nito ay galing sa BIR allotment.

             Ang mga tulay ay yari lamang sa kawayan, naging tabla at ngayong kongreto na. Ang Tulay Kaysuka ng Sta. Elena-Sgda Familia ang unang pinaglaanan ng pondo mula sa discretionary funds ni Kal. Baltazar Aquino sa pamamagitan ni Ministro Ople sa pagpupunyagi ni Kon. Ato Bautista. Ito ay  nagawa sa panahon ng Pangasiwaang Perez. Ang tulay ng San Roque, at  ang tulay na  nag-uugnay sa San Jose at  Kabayanan at ibang tulay sa mga ilang Barangay ay na naipagawa sa panahon ni Alkalde Willy Alvarado. Sina  Alkalde Emilio Perez, Emilio Santos, Maria Garcia, at Toti  Ople ay nagpasemento din  ng ilang bahagi ng lansangan at tulay

             Nang nasunong ang pamilihang bayan nuong 1957, si Alkalde Ramona S. Trillana, bagamat isang Liberal, ay hindi nagdalawang isip na palagdaan ang kahilingan ng bayan kay Pangulo Carlos P. Garcia, isang Nasyonalista, upang maglaan sa sapat na pondo sa pagpapagwa ng bagong pamilihan. Muli itong nasunog sa panahon ng panunungkulan ni  Willy Alvarado bilang Officer-in-Charge, na siya rin ang nagsikap na ito’y  maitayo muli.

             Sa panahon naman ni Alkalde Hermgenes Perez naipagawa ang isang gusali ng pamilihang bayan. Ang pondo ay inutang sa bangko at  sa pamamagitan naman ni Alkalde Alvarado ang pagkakautang ay napatawad ng pamamahang nasyunal sa tulong ng Pangulong Aquino. Ang makasaysayang Gabaldon Building ay giniba sa panahon ni Alkalde Alvarado at ginawang makabagong gusaling pampamilihan at ipinalipat ang mga silid paaralan   sa Mary the Queen Subdivision, San Sebastian. Ang gusali ng Kuwerpo ng Polisya,  ng Pahatiran ng Liham at ng Aldaba Health Center at Rehabilitation Bldg at ang Bantayog ng mga Bayani sa Tangos, San Nicolas ay naitayo din sa panahon niya.

             Ang Gusali ng Tesorerya ay naipatayo sa panahon pa ng pangasiwaan ni Alkalde Trillana, ang Barangay Hall at Tennis Court sa panahon ni  Alkalde Perez.at ang  Parking Area sa harap ng Gusali ng Sangguniang Bayan sa pangasiwaan ni Alkalde Ople.

             Ang mga gusaling pampaaralan ay pinagtulong-tulungan ng pamahalaan nasyunal at local, nagkaroon ng Macapagal Building, Marcos Building, Bagong Lipunan Building at makabagong silid paaralan sa pagsisikap  ng mga Punong Lalawigan, tulad nina Alejo Santos, Tomas Martin, Jose Villarama, Ignacio Santiago, Roberto Pagdaganan at Josie de la Cruz  sa kooperasyon at koordinasyon ng mga  Punong Bayan, Emilio Santos, Emilio Perez, Jose Suntay, Ramona Trillana, Maria Garcia, Hermogenes Perez, Willy Alvarado at Felix Ople.

 Sina Col. Simeon Ver ng Phil. Army Engineering Brigade, Engr. Susing Contreras, at Engr. Jose Regalado ng Bulacan Provincial Engineers’ Office ay malaki ang naitulong sa pagtatayo ng mga gusaling pampaaaaralan. Sina Kalihin Castaneda at  Engr. Tiongson ng Department of General Services ang nagbigay ng Home Economics Buildings sa Sta. Elena, Sgda Familia at San Roque sa pamamagitan ng pagaasikaso ni Konsehal Ato Bautista. Ang School Board ay nakatulong din sa paglalaan ilang bahagi ngpondo nito sa  pagkukumpuni ng paaralan at ibang prohekto at gugulin.

             Ang tubig  ay pangunahing kailangan ng mga tao. Simula pa lamang,  ang Pamahalaang Bayan ang nagpatakbo ng sebisyo ng tubig sa ilang nayon. Nang malikha ang batas  ukol sa NAWASA, kinuha nito ang pagmay-ari at operasyon ng Hagonoy Waterworks sa panahon ni Alkade Emilio Santos, ngunit sa kanyang pagsisikap at tulong ni Abogado Rafael Suntay, nabawi ng Pamahalang Bayan ang Water Works.

             Hindi naging sapat ang kita nito kasi mas malaki ang gastos.Upang mapalaganap ang paglilingkod nito sa mga dulong nayon, minarapat ni Alkalde Perez na magpatayo ng poso arteyano at pahintulutang ang paglalagay ng ektensiyon ng tubo sa mga kalapit lugar.  Sa panahon ng Pangasiwaan niya  at  tulong ng Sangguniang Bayan sa panguguna nina Konsehal Ato Bautista, Nestro Tinio at Leoncia Ramos,   ang pamamanihala, pagmaymay-ari at operasyon nito ay napalipat sa Hagonoy Water Distrit sa pamamagitan ng  Local Water Utility Administration (LWUA) , Isang  Menorandum of Agreement ang  nilagdaan nina Alkalde Perez at BIse Gobernador Barnardo Ople at ng  mga panunuan ng LWUA ukol sa paglilipat nito. Ngayon lahat ng barangay ay napaglilikuran na nang buong husay ng Hagonoy Water District, sa panguguna ni Engr. Manuel Contreras, Chairperson at Celestino Vengco, Manager.

            Nang naging Kalihim ng Public Works si Col.  Manuel Syquio, inisip niya ang plano ng paglalagay ng kalsada na mag-uugnay sa San Pablo at Sta. Elena. Sa pakikipag-unay nina Konsehal Ato Bautista at Kapt. Jacinto Jumaquio at Alkalde Perez, ang plano ay naiguhit. Ngunit di ito natuloy kaagad dahil sa problema ng  “right of way”. Nilapitan ni Kapt. Jumaquio sa mga may-ari ng lupang dadaan ng kalsada  at pumayag naman sila. Ang  Pang. Kalihim Alvarez, Dept. Public Works, na taga Abulalas, ay nakatulong din para mayari ang kalsada. Sa panahon naman ni Alkade Alvarado at Alkalde Ople naitayo ang  tulay sa Wakas ng Sta. Elena at napasementado ang  kalsada mula sa Wakas hanggang San Pablo.

 Go  to Top

 

Lugar Pangturista

             Ang  Crisostomo Park sa harap ng St.  Mary Academy ay tampok na tanawin.  Dating gloryeta ito ngunit giniba sa panahon ni Alkalde Emilio Perez dahil ito ipinagawang parke ng Hagonoy Question Mark sa panguguna nina  Luis Ople at Aurora Syquio, kapuwa pangulo nito. Sinikap din  ng panggasiwaan ni Alkalde Hermogenes Perez na ang Aroma Beach sa Tibaguin ay maisaayos. Maganda at kaaya-aya sana  ito sa pananaw ng mga tourista lalo kung pagmamasdan ang paglubog ng araw. Ngunit nanatili itong isang magadang pangarap. Makikita din dito ang National Shrine of Sta. Ana at ang bantayog ni Capt. Tiago Trillana saka ang Bantayog ng mga Bayani sa Tangos, San Nicolas.

  Go  to Top

Paglilingkod Militar

             Likas sa mga mamamayan ang tapang na makibaka sa kaaway ng bansa at lipunan. Nagpamalas sila  ng kagitingan  sa panahon ng digmaan laban sa pamahalaang Kastila. Tampok sina Kapt. Santiago Trillana, Kapt. Manuel Garcia, Kapitan Maximo Angeles Hermogenes Reyes, Jose Panganiban, bilang na tanyag na propagandista at ibang lider ng mga katipunero.

             Lalong pina-igting ang katapangan at pinainit ang dugo ng ating mga kabataan nuong sumiklab ang Ika-dalawang Digmaan Pangdaigdig laban sa mapanupil at mapanakop na pamahalaang Hapon. Marami ang lumahok sa dignaan. Marami ang nagbuwis ng buhay. Naging kasaysayan na  sa mga puso ang kanilang kadakilaan. Sina Ulpino Trillana, Willis Viri, Serafin Vasquez, Leonardo Balatbat, Blas Ople, Max Macale, Eliseo Vengco, Manuel Syquio, Mateo Santos, Apolonio Reyes ang ilang napagmalas ng pambihirang tapag, kagitingan at paninindigan sa pagtatanggol ng  Inang Bayan. Gayon din sa bahagi ng HUKBALAHAP, si Tata Mandong Perez ng San Jose kasama ang libu-libong kabataan ay napalaot din sa pakikibaka at pakikilaban sa kaaway, ngunit hindi  kinilala ni Gen. McArthur ang kanilang kagitingan at pakikilahok sa digmaan, dahil ang pangkat ng Hukbahap ay diumano’y mga Sakdalista  ni Senador Benigno Aquino, Sr. at si Luis Taruc, ang supremo. Subalit, sa bisa ng isang proklamasyon ng dating Pangulo Marcos, binigyan sila ng pagkilala at pagdakila bilang  beterano ng digmaan.

             Matapos ang digmaan, maraming kababayan nating ang nagpatuloy ng paglilinkod sa Sandatahang Lakas  ng Pilipinas tulad nina  Col.Manuel Syquio, Comm. Simeon Castro, Hen.Manuel Flores, Col..Domingo Reyes. Col. Sotero Morales  Pagkalipas ng ilang panahon. May ilang natatanging kabataan  ang nag-aral sa Philippine Miliary Academy (PMA) gaya nina  Capt. Rene Syquio, Hen. Miguel Coronel, Domongo Reyes II, Doroteo Reyes II, Geronimo ng San Sebastian at Bong Marcelino ng Sta. Elena.

  Go  to Top

Lider Manggagawa

            Hindi malilimutan ng mga taga Hagonoy na alalahanin ang pagmamahal, pagmamalasakit  at pagtatangol sa mangagawang Filipino nina Apo Amado Hernandez at Simeon Rodriquez sa kanyang makabuluhang kahapon. Sila’y inakusahang “Politburo” at ipinahuli ni Pangulong Quirino nuong 1948 sa salang paglabag sa Anti Subversion Law. Nakulong sila sa Pambansang Piitan ng Muntinlupa na doon isininulat ni Apo Amado ang Ibong Mandaragit. Sa pagtangol na ginawa ng dating Pangulo Jose P. Laurel sila’y na pawalang sala ng Kataastaasang Hukuman (SC) dahil walang “complex crime” na ito ang naging Hernandez Doctrine. Isang lider mangsasaka ng San Jose, si G. Sonny "Boy" Perez, ang isa sa mga nagbuwis ng buhay sa Mendiola nuong panahon ni Pangulong Corazon Aquino, sa pagtatangol sa mga karaingan. Ang Samahan ng Mangingisda sa ilalim ng pangugulo ni Kapt. Ramon Atienza ang kinilala ng pamunuang pambansa sa pagtatangol sa kanilang karapatan.

  Go  to Top

Kapayapaan at kaayusan

             Kilala ang Hagunoy sa katahimikan at kapayaan marahil dahil sa lokasyon nito na walang bundok at gubat kundi ito’y  paligid ng tubig at dagat.

             Maging nuong panahon ng digmaan, hindi nagkaroon ng madalas at  madugong labanan dito   kundi ang sagupaan ng mga gerilya at Hukbalahap sa dulong  San Pascual. Ang mga kawal na Hapon ay naglipana, at  sa mga kanto’y may sentre. Ilang paaralang nayon ay ginamit na kanilang  headquarter. Ang mga mamamayan ay nagsigawa ng kanilang taguan sa gitna ng sasahan at bukiran.

             Kayang panatilihin ng  pulisya ang kapayaan at katahimikan sa lahat ng panig ng bayan. Walang gaanong kaguluhan ang naganap sa Hagunoy matapos ang digmaan. Nang ang Hepe ng Pusliya ay si Andres Laderas, nasupil niya ang mga masasamang elemento ng lipunan. Isa dito ay si Blackie, na napatay sa pakikibarilan sa sa mga pulis sa itaas ng Azucena Theater. Gayo din ang ginawa nina Hepe Fidel Managahas, Abraham Ramos, Col. Modequillo at iba pa lalo na sa panahon ng Batas Militar. Malaki ang naitutulong ng mga Barangay Tanod sa pagroronda sa gabi at pagpapairal ng curfew sa mga kabataan para panatilihin ang kapayapaan at katahimikan.

             Subalit dumating ang pusikit ng kadiliman  sa panahon ng pamamayagpag ng ilang grupong Makakaliwa. Bagama’t maganda ang layunin nila tila hindi tanggap ng bayan ang mga gawain nila. Iba ay napabantog sa pangungulimbat, pamimirata, pananakot at pangogolekta sa mga propetaryo at ilang mamamayan. Si Ka Vicky  at si Ka Sergio ang mga sumikat na lider. Si Ka Vicky ay napatay sa Malolos. Si Ruben Guevarra, isang dating aktibista, ay kagawad din ng grupong Makakaliwa ngunit nagbalik loob at sumuko siya sa pamamahalaan sa pamamagitan ni Cong. Teodulo Natividad.

             Nakipaglaban sila  sa lakas ng pamahalan dahil sa di naunawaang ideolohiya at  layunin. Pumatay sila ng mga sibilyan at kawagad ng Pulisya tulad nina Cesar Reyes ng Sgda. Familia, Ramon Villanueva ng Sta.Monica, Max Bautista na San Sebastian, Capt. Rogelio Santos ng Sto. Rosario, Artemio Panganiban ng San Pascual at Rudy Felipe ng Sta. Elena nakadisditino sa Malolos.

             Nagkaroon ng malagim na pagsasagupa ang mga Makakaliwa at ang Militar nang pasukin ng una ang  Police Station sa Tangos, Sto. Rosario, nuong 1989.  Marami ang nalagas na buhay sa magkabilang panig.

             Nanumbalik na sana ang dating katahimikan at kaayusan ngunit muling nabulabog ito nang ang ilang mamamayan ang  pinatay dahil sa pagtutulak o paggamit ng bawal na gamot o sa ibang dahilan na salot at anay ng lipunan kung turingan.

             Sa panahon ng Pangasiwaan ni Alkalde Maria Garcia, ang kalagim-lagim ng tragedya ang naganap nang tambangan at napatay si Pulis Basilio Gonzalvo at nasugatan si Lt. Eling Laderas nang hagisan ng granada ang kanila patrol jeep sa San Isidro. Gayon din ang pagsulpot ng kilabot na grupo ni Atoy Viri ng San Miguel ay nagbigay pagamba at takot, ngunit ang kanilang pamamayagpag ay nagwakas nang napatay siya ng mga sundalo ni Col. Manubay, Prov. Commander ng Bulakan sa isang sagupan sa may hangganan ng Calumpit at Hagonoy.

             Sa kasalukuyan, matahimik na ang Hagonoy. Sa ulat ng Police Investigator Mario Reyes ng PNP Hagoonoy Station bumaba ang bilang ng mga kasong isinasampa sa kanyang tanggapan na kinabibilangan ng frustrated / attempted homicide, awayan, illegal drugs, tulad ng sumusunod ng bilang: 

 

2001

2002

2003 (Marso)

111

60

20

Mo. Ave        

9.25

5

6.6

            Ang lahat ng kaso ay nabibigyan ng solusyon ngunit sa taong 2003 (Enero-Marso)  dalawang kasong  may kaugnayan sa pagpatay ang  nanatiling walang solusyon.  Sa monthly average, tila nadagdagan ang bilang kaso sa unang tatlong buwan ng 2003. Ayon sa ulat ng Tanggapan ng Pulisya, ang karamihang kaso ay may kaugnayan sa bawal na gamot. Sa kabila ng kampanya ng pamahalaang local at pambarangay, patuloy pa rin ang paglabag sa Batas Blg. 9165, kilala sa tawag ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na nagtatadhana :

 “Section 15. Use of Dangerous Drugs. A person apprehended or arrested, who is found to be positive for use of any dangerous drug, after a confirmatory test. shall be imposed a penalty of six (6) months rehabilitation in a government center for the first offense. . . If apprehended using any dangerous drug for the second time, he/she shall suffer the penalty of imprisonment ranging from six (6) years and one day (1) to twelve (12) years and a fine ranging from Fifty thousand pesos (P50,000.00): Provided that this section shall not be applicable where the person tested is also found to have in his/her possession such quantity of any dangerous drug provided for under Section 11 of this Act., in which case the provisions stated therein shall apply..xxx"

             Nagpapataw din ito ng parusang kamatayan.  Seksiyon 11 ay  nagtatadhana ng parusang kamatayan at multa mula sa Limang Daang Libong  Pesos (P500,000.00) hanggang Sampung Milyon Pesos (P10,000.000.00) ang ipapataw sa sino mang tao, na, maliban kung pinahihintulutan ng batas,  mag-ingat ng kahit anong pinagbabawal ng gamot gaya ng mga sumunod dami: 

(1)   10 grams or  more of opium

(2)   100 grams or more of morphine

(3)   10 grams or more of heroin

(4)   10 grams or more of cocaine or cocaine hydrochloride

(5)   50 grams or more methamphetamine hydrochloride or :shabu”

(6)   10 grams or more marijuana or marijuana resin oil

(7)   500 grams or more of marijuana; and

(8)   10 grams or more of othr dangerous drugs

             Subalit, malaki at mahalagang papel ang ginagampanan ng mga Sangguniang Barangay sa pagbaba ng bilang ng kaso.

  Go  to Top

Pamahalaang Lokal

             Ang pamahalaang lokal ay binubuo ng barangay, munisipal at probinsiyal. Bawat isa ay pinamumuuan ng halal ng pinuno.

  Go  to Top

Nayon/Barangay

             Ang dating pamamaraan ng nagpili sa mga namumuno sa nayon ay sa pamamagitan lamang ng paghirang ng Punong Bayan na kung tawagin sila’y Tinyente del Barrio. Maayos, bagamat walang partisipasyon ang mamamayan, sa pagpili ng punong nayon. Kasama sa pag-unlad ng lipunan ang pagkilala sa karapatan sa pagpili ng mga mamumuno sa kanila. Nang ang Bagong  Barrio Charter (Pelaez Law) ay ipinatupad nuong 1962 at 1964, ang pagpili ng mga Kapitan del Baryo at Kawagad ng Barrio Council ay sa pamamagitan ng taasan ng kamay. Pangkaraniwan na ang pulong ay ginaganap sa isang silid paralan at doon pipili ng mga kandidato ay saka pagbobotohan sa pamamagitan ng taasan ng kamay. Nabago ang batas na ito. Simula nuong 1968, ang halalan ay ginawang “secret balloting” sa pagpili ng mga Kapitan del Baryo at Kawagad. Dito nagsimula ang matitinding labanan ng magkabilang partido. Ang ibang magkakaibigan or magkamag-anak ay nagkakagalit at nagkakahiwalay.

             Binago ng Pangulong Marcos ang tawag sa nayon at ginawang Barangay. Ngunit patuloy ang naturang  paraan ng paghalal. Nabago uli ito sa  panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino, na ang Punong Barangay ay pipiliin sa mga kandidato na may pinakamataas na bilang  ng halal. Hindi ito naging matagumpay kaya’t muling binago sa pamamagitan ng Local Government Code na ang Punong Barangay at mga Kagawad  ay pipiliin sa pamamagitan ng lihim na  paghahalal .Ang mga kandidato na may pinakamaring boto (plurality vote) ay ipapahayag na nanalo. Ayon sa ilang taga pagmasid, ang halalan sa panahong ito ay tutuong kaiba sa mga  una. Kailangan  ngayon ang ginto  at pupularidad at hindi na halos isinasaalang-alang ang iba pang katangian at karanasan ng mga kandidato.

             Sa kasalukuyan may 26 na Barangay ang Hagunoy na pinanunuan ng Barangay Captain na siyang  bumubuo ng isang Liga sa pangguguna noon nina Kapitan Ramon Atienza ng Pugad, Graciano Castro ng Sto. Nino, Fortinato B. Perez,  San Jose, Alfonso Santos, San Agustin, Miguel Santos, Tomas Sy Alvarado, Jr. ng Sto. Rasario at ngayon ay ni  Kapitan Antonio Vengco ng Sto. Nino. . Ang Pangulo ng Liga ng mga Punong Barangay ay ex-officio kagawad ng Sangguniang Bayan.

             Samantalang ang mga kabataan mula sa 14 hanggang  18 taong gulang, ang bumubuo ng Sangguniang Kabataan (SK), pinili rin sa pamamarang tulad ng sa mga Punong Barangay. Ang Pangulo ng Liga  SK sa kabuuan ay ex-officia kagawad din ng Sangguniang Bayan.

             Nuong una, ang tanging pondong ginagamit ng Sangguniang Nayon   ay galing sa 10% kaparti sa mga buwis ng ari-ariang di natitinag. Sa kasalukuyan, batay sa Local Government Code at ayon sa Tanggapan ng Ingat Yaman Pambayan ang pinag-kukunan ng pondo ng mga Barangay ay galing sa 25% koleksiyon sa mga ari-ariang di natititnag; IRA mula sa pamahalaang nasyunal; 47.5% kaparte sa Community Tax Certificate (sedula); clearances, water rentas, permits, kita ng pamilihang  pambarangay, kung maroon. Ito’y umaabot milyong peso sa bawat barangay. Ginagamit ang pondo sa suweldo at pagawaing pangbarangay.

  Go  to Top

Pamahalaang Pambayan

             Ang Pamahalaang Bayan ay pinamumuan ng isang Presidente Municipal noon, ngunit ngayon ay Punong Bayan o Alkalde. Kasangguni niya ang mga Kagawad ng Konsehal Munisipal o Sangguniang bayan na pawang inihalal ng bayan mula sa mga kandidatong nagnanais maglingkod.

             Sa halalan ng 1902, nahalal si Don Ambrocio Santos ng Sto. Rosario, ang kauna-unahang abodago ng bayang Hagonoy, sa pagiging Kinatawan ng Bulakan sa Assemblea Nacional.  Siya ang kauna-unahang taga Hagonoy na nahalal na Kinatawan sa Assemblea Nacional, ngayon ay Kongreso.

             Matapos ang digmaan, hinirang ni Pangulo Manuel Roxas si G. Nazario Trillana ng Mercado bilang pangsamantalang Punong Lalawigan ng Bulakan. Sa panahon ng kanyang panunungkulan na ipagawa niya ang dike sa tapat ng simbahan ng Sto. Rosario.

             Mapayapa at tahimik ang halalan noon.  Ang mga kandidato ay lumilibot sa mga nayon at nagpapaliwang ng kanya plataporma de gobyerno. Malaya ang talakayan sa bawat kaukus o pagpupulong . Bukas ang isipan ng mga botante sa pagpili ng tunay at dapat maluklok sa kapangyarihan. Ang mga presinto ay nakakalat sa  mga piling bahay.

              Dalawa ang pangunahing partido politikal noon, Libaral at Nasyunalista. Sa halalang idinaos nuong 1948, naglaban sina Atty. Dominador Catalig, Dr. Pedro Reyes at Mateo Santos. Nagwagi si Atty. Catalig (LP) at namatay naman si Mateo Santos bago ganapin ang halalan. Gayon pa man, nagtamo pa rin siya ng maraming boto. Si Mateo Santos ay naging pangsamantalang Alkalde matapos ang digmaan at bago nahirang ni Pangulong Roxas si Dominador Catalig.  Nuong 1952, naglaban naman si Atty. Jose Suntay (LP) at Dr. Santiago Panganiban (NP), nagwagi si Atty. Suntay. Pinaupo ng tatlong buwan ni Alkalde Suntay si Lorenzo Reyes ng San Roque bilang Pansamantalang Alkalde.  Dito natampok ang pagkandidato ng  mga kabataang walang lapian. Kinabibilang ito nina Blas Ople, Rod Reyes, Max Tolentino , Pedro Pascual, Laureano Rivera at iba pa, ngunit walang nagwagi sa kanila. Nuong 1956 naglaban  sina Alkalde Suntay at Andres  Laderas (NP) at muling nagwagi si Alkalde Suntay. Nang tumakbo si Alkalde Suntay bilang Kinatawan ng Unang Distrito ng Bulakan, si Vice Mayor Ramona Trillana (LP) ay naging Punong Bayan. Nuong 1960, naglaban naman sina Emilio Santos (LP) at Emilio Perez (NP). Dr. Diosdado Carpio ng Hagunoy Citizen League for Good Government at Nena Marucot, Progressive Party of the Philippines. Nagwagi si Emilio Perez (NP). Sa kanilang muling paglalaban nuon 1964, nagwagi naman si Emilio Santos (LP). Muling tumakbo si Emilio Perez NP) laban kina Kon. Alejandro Balatbat (LP) at Benigno Villanueva (Ind) . Nagwagi si Mayor Emilio Perez, ngunit inagaw kaagad siya ni kamatayan kaya’t hindi niya natapos ang kanyang termino at siya’ pinalitan   ni Vice Mayor Maria Garcia Santos.. Dumating ang halalan nuong  1971, naglaban sina Hermogenes Perez (NP), Rene Syquio (NP) at Nick Sebastian, Jr.  (LP). Nagwagi si Perez.  Sa halalang ito dalawang lamang ang nanalong konsehal mula sa kampo ni Perez at isa, mula sa kampo ni Syquio at iba sa panig ng Sebastian. Sa lahat ng mga reeleksiyonista, tanging si Konsehal Ato Bautista lamang ang muling halal. Natala sa kasaysayan ng halalan sa Hagunoy na ang limang kandidato ng San Sebastian sa pagka-Konsehal ay nanalong lahat. Sila ay sina Kon. Ana Carasig,  Nestor Tinio, Pedro Dionisio, Jose Santos, at Narciso Lopez. Ang tatlo naman ay sina Ato.Bautista, Moises Crisostomo at Pio Laderas.

            Ang mga nagbitiw na Kagawad ng Sangguniang Bayan mulang 1970 hanggang 1977 sa iba't ibang kadahilanan. Si Kon. Alipio Roque pumasok sa paglilingkod sa militar, pinalitan sila ni Kon. Max Macale; si Kon. Pedro Dionisio, pinagbawalan ng batas ang sino mang kawani na bangko na nanungkulang bilang konsehal; si Kon. Luis Caparas, nang kumandito bilang Panggalawang Punong Bayan, 1971 at si Kon., Ato. Bautista ay lumipat sa National Seaman Board, Ministry of labor and Employment, 1977.

             Nang ibagsak ang Batas Militar ni dating Pangulong Marcos nuong 1972,  ang termino ng panunungkulan ng mga pinunong bayan  ay pinalawig sa mahabang  panahon hanggang nagdaos  muli ng halalan. Naglaban dito sina Mayor Perez at Konsehal Nestor Tinio at nagwagi ang una at kasama ang Vice mayor at sampu ng lahat niyang kandidato sa pagka-Konsehal.

             Nang bumagsak ang Pamahalaan Marcos nuong 1986, pinaalis  ng dating Pangulong Corazon Aquino ang mga halal na pinuong bayan at humirang siya ng kapalit. Dito nahirang si Mayor Alvarado (OIC). Sa halalan kaagad na ginanap, naglaban si Willy Alvarado at Bise Gob. Bernado Ople. Nagwagi si Mayor Alvarado. Sa sumunod na mga  halalan, nakalaban ni Mayor Alvarado si dating Mayor Perez at saka  ang  dating Vice Mayor Eling Laderas.Nagwagi si Mayor Alvarado sa naturang mga halalan. Vice Mayor Laderas ay nahalal ng Bokal sa Unang Distrito ng Bulakan nuong 1998 ngunit namatay bago matapos ang kanyang termino.

             Nuong 1998, kumandidato sa pagka-alkalde sina Felix Ople at Marivic Alvarado, maybahay ng dating Alkalde Alvarado na tumakbo naman sa pagka Kinatwan ng Unang Purok ng Bulakan na kanyang pinagwagihan laban kay Atty. Danny Domingo na ngayon ay Alkalde ng Lungsod ng Malolos. Nagwagi si Ople.  Sa halalan ding ito, tumakbo si Bokal Ople bulang Governandor laban kay Vice Gov. Joise de la Cruz. Sinawing palad si Bokal Ople. Apat ns taon ang nagdaan, 2002, muling tumakbo si Alkalde Ople laban kay Nani Alvarado, kapatid ni Kinatawan Willy Alvarado. Nagwaging muli si Alkalde Ople. Subalit natalo naman si Raul Ople laban kay Kinatawan Alvarado.sa pagka Kinatawan sa Unang Distrito. Muling naulit dito ang pananalo ng isang buong partido, ang Partido ni Alkalde Ople. Sa halalang ding ito nagwagi si Pat Laderas bilang Kinatawan sa Unang Distritong Bulakan sa Sangguniang Panglalawigan.

            Ngunit namantsahan ang halalan  ng ilang pangyayaring naganap nuong 1971. Habang nagdadaos ng kaukus ang pangkat ni Kandidato Hermogenes Perez sa Tangos, San Nicolas, bigla ito ginulantang ng sunod-sunod na putok ng armalite na pinaputok paitaas ng mga diunamo’y taga sunod ng kalabang partido. Nagbuwis ng buhay  si Antonio Bernardo nang siya’y  barilin sa loob ng jeep sa San Sebastian at isang taga Abulalas ay napatay din na may kaugnayan sa halalan.  Mula noon hanggang ngayon  hindi pa nahuhuli ang mga pumaslang.

            Sa bawat halalang  idinaos noon at maging sa panahong ito, ang “dagdag-bawas” ay palasak na, gayon din ang paggamit ng makinang na ginto  na malakas na umakit at makabighani sa mga botante.

             Walang suweldo ang Kagawad ng Sannguniang Bayan noon kundi maliit ng halaga na kung tawangin ay “per diem” na umaabot sa P20.00 sa bawat sesyon. Naging P150.00 isang buwan nang bago naghalalan presidensiyal na pinaglabanan nin Pang. Marcos at Senador Sergio Osmena. Ngunit ito’y muling ibinalik sa “per diem” sa halagang P50.00 sa bawat sesyon. Ngayon sa bisa ng Local Government Code, ang buwanang suweldo ay batay na sa klasipikasyon ng pamahalang local. Ang Pamahalaang Bayan ng Hagonoy ay kabilang sa Klasipikado “A” at ang suweldo ng mga Kagawad ng Sangguniang Bayan ay nasa Grade 24 (Php 20,823.00) ng National Standardization Law at monthly allowance at COLA. Maging ang mga Punong Barangay at mga Kawagad ay tumatanggap na ng buwanang suweldong itinakda ng batas.

             Ang kasalukuyang Sangguniang Bayan  sa panggugulo ng Pang. Punong Bayan Josefina R. Contreras,  sampu ng mga Kagawad nito, ay masigasig sa kanilang paglilingkod upang maiyangat ang kalalagayan ng Hagonoy sa mas matataas ng pedestal ng karangalan. Sa taong 2002 napagtibay sila ng humigit kumulang sa 79 na kapasiyan tumutukoy sa mga sumusunod: ang pagkikiramay sa mga pamilya ng ilang namatay ng lingkod bayan, paghingi ng kaukulang pondo sa mga pagawaing bayan at ibang prohekto sa Pangulong Gloria M. Arroyo, TESDA, PSCO, Senador Legarda, Ople, Kal. Alberto Romulo, Hernani Braganza, Leonardo Montemayor, Gob. Josie de la Cruz; pagpapatibay ng mga gugulin pangbarangay; pagkilala sa mga 2002 Outstanding Classroom Public Teachers at Daycare Worker; pagsuspendi ng pagbibigay ng  prangkisa sa mga tricycle hanggang Peb. 28, 2004;; paglilkha ng Municipal Council for Culture and Arts’; pagtatakwil sa ginawa ni  Kinatawan Willy Alvarado “bilang mali o lisyang asal para sa isang mataas na pinuno ng pamahalaan na nagdulot ng takot, pangamba at panganib sa buhay ng mga residente ng Barangay Sto. Rosario, Hagonoy, Bulakan, at nakaapekto sa kalagayang pangkapayapaan ng baya ng Hagonoy, at, mapitagan hilinging ng kapulugang ito sa COMMITTEE ON ETHICS ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas . . . . karampatang parusa ang sinumang nagkasala.” (Res. No. 2002-032, Hunyo 04, 2002)

             Ayon kay .G. Cesar P. Rodriquez, Chief of Staff, Office of Rep. Willy Alvarado, ang kaso ay pinawalang saysay na ng Committee on Ethics sa Mababang Pulungan nuong Pebrero, 2003, bago namayapa si Kin. Abaya, ang Chairperson nito

             Ang Pangasiwan ni Alkalde Alvarado ay nakabili ng humigit kumulang sa 8,000 sq meters na lote sa likod ng Hagonoy Subdivision na kalapit ng Hagonoy Elementary Shool, para sa isang slaughter house  ngunit ito’y napapabayaan na at ngayon ay  halos okupado na ito ng mga iskuwater.

             Gayon din ang pagpapatibay sa pagkakatalaga kay Dr. Hernani Pulumbarit bilang Rural Health Officer; pagsuspendi nag pag-iral ng mataas ng bayarin sa pamilihan ayon sa kahilingan ng Hagonoy Market Vendors’ Association at sa pagkakatalaga ni Felino Ignacio bilang Market Master;  pagtatayo ng Miniculture Park at Demo Farm;  adoption ng Phil Health Insurane of the National Government para sakupin ang mga kapus-palad na mamamayang ng Hagonoy; paglikha ng Philhealth Capital fund;  pagbili ng iodizing machine at 12 units cellular phones; pagkakaroon ng Targeted Rice Distributor Program; paglalaan ng 1,000 sq meters sa Sitio Buga, Sta.Elena sa pagtayuan ng mababang paaralan; pagpapahintulot sa Digitel operation; paghiling sa mga Suntay na ipagkaloob ang loteng dating Hagonoy Rural Bank para gawing Sala ng Hukuman; pagkilala sa mga Boy/Girl Officials; at iba pa.

  Go  to Top

 

Mga katangi-tanging panglilingkod

             Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Hagunoy, ang tanging dangal at anak-Hagunoy na naglingkod na Pansamantalang Punong Lalawigan  ay si Nazario Trillana, at ang  naging halal na Bokal at  Punong Lalawigan ay si  dating Bokal Tomas Martin. Nahirang din siyang Chairman of Board of Liquidators. Ngayon lamang nagkaroon ng dalawang mambabatas ang  anak-Hagunoy  sabay  na nanungkulan sa Kongreso, isa sa Mababang Kapulungan at isa sa Mataas ng Kapulungan. Sila ay sina Senador Blas Ople  at Kinatawan Willy Alvarado. Si Alkalde Jose Suntay ay nahalal ding Kinatawan ng Unang Distrito ng Bulakan. Si Kinatawan Teodulo Natividad ay inaring anak Hagunoy sapagkat ang kanyang ama, Graciano Natividad na magmula sa Sta. Monica at si Abogado Pablo Trillana III, naging Delegado sa 1972 Constitutional Convention, Pang. Kalihim ng DENR, Legal Adviser ng Asia Development  Bank at awtor ng isang aklat Loves of  Rizal., si Huwes Jose Bautista ng Court of Industrial  Relation, si Abogado Pascual Reyes, Executive Director  DOLE Bureau of Labor Relations , Abogado Benigno Vivar, NLRC Commissioner,  ang ilang talang sumisikat sa Hagonoy.

             Bukod tangi ang paglilingkod ni Senador  Blas Ople, na naging Kailihin ng Kagawan ng Paggawa at Panghanap-Buhay, lider ng Gitnang Luzon na nanguguna sa Halalang Pagrehiyon III, sa Batasan Pambansa, Senate President Pro-tempore at Pangulo ng Senado,   batikang peryodista at stateman, Pangulo ng International Labor Organization (ILO) at kasalukuyang  Kalihim ng Kagawaran ng  Ugnayang  Panlabas

             Sa  unang pangkakataon  ang tatlong anak ng Hagunoy ang  sabay-sabay na nanungkulan bilang Kagawad ng Pamilya Opisyal  ng Pangulong Marcos. Sila ay sina Kal. Blas Ople, Labor; Col. Manuel Syquio, Pagawaing Bayan at Transportasyon, Kal. Marcelo Balatbat, Komersiyo at Industriya. Bagaman hindi taal na taga Hagunoy si Pang. Kalihim Isosceles Pascual (Agriculture)  ngunit asawa niya  ay anak ng Apo Iyong Figueroa ng San Agustin at Halang. itinuring na siyang taga Hagunoy.  Sila ang may ari ng Pascual Laboratories. Dr. Ricardo Trinidad  ay naging Direktor ng Health, Region III,  si Judge Arturo Cruz, naging OWWA Administrator naman, si Bernardo Ople, maliban sa pagiging dating Pang. Punong Lalawigan, naging Executive Director ng National Manpower and Youth Council na ngayon ay TESDA, si  Abogado Rafael Suntay  naging pansamantalang Pangalawang Punong Lalawigan, si Abogado Feliciano Torres Assistant Provincial Fiscal ng Bulakan , Abogado Dominador Catalig, naging Commissioner ng Agrarian Reform, Dr. Joaquin Sumpaico, naging Drirektor ng DOH , Alabang -Anti Rabies Laboratory,  si Mons. Pedro Bantique, dating kalihim ni  Rufino Kardinal Santos at Propesor sa San Carlos Seminary at ngayon Obispo ng Diosesis ng Laguna. Samantala sina Mr. Gavino Carpio, naging Pangulo ng Bulacan College of Arts and Trade at  Dr. Diosdado Carpio, PRC Examiner (Dental), Si Hen. Domingo A.Reyez, II, naging Direktor ng PNP Region IV, si Hen Miguel Coronel, PNP Regional III Director, Puno ng Anti-Drug Office at ngayon ng Anti-Smuggling Office. Sina abogado Catalino Laderas at Tita Tamayo, bulang labor arbiters.Si Bokal Pat Laderas, isang batam-batang aktibista na nagmamalasakit sa bayan, ay kasalukyang nanunungkulan bilang isang Bokal ng Sangguniang Panglalawigan. Si Amado Caballero, Jr. ng Sta. Monica ay naging konsehal sa Longsod ng Kalookan.

Si G. Deogracias Flores at Kol. Manuel Syquio sa larangang ng Kilusang Pang-Iskauting ng Pilipinas. Sa industriya ng pagbabarko, si Capt. Monico Manlapig ng Sta. Monica ay nanguna pagbabarko, at si Leonardo Caparas ng San Sebastian sa  Industriya ng Langis, dahil ang kanilang mga ahensiya na may pahintulot ang POEA na nagpadala ng mangagawa sa oil / gas rig. Si G.  Gregorio  Apostol ang pasimula at nagpaunlad ng palaisadaan sa pamamagitan ng  paggamit ng dumi ng manok na naging  pagkain ng bangus. At gayon din siya Apo Amado Hernandez na naging Konsehal ng Maynila, manunulat at lider manggawa.

             Natatangi rin ang paglilingkod ni Dr. Rufino C. Crisostomo, Sto. Rosario. Minahal siya ng halos lahat ng mamamayan dahilan sa kaynag kabaitan at pagkamatulungin sa kapuwa. Nangagamot ng walang bayad at nagbibigay pa ng gamot sa mga mahihirap ng pasyente. Nakaukit sa puso ng baway isa ang kanyang kadakilaan at debosyon sa pangagamot.

            Sina Kol, Manuel Syquio, Pang. Kalihim ng Tangulang Bansa, Comm.Simeon Castro, Phil. Navy Flag Officer, Hen. Miguel Coronel, PNP Regional III Director, Hepe ng Anti-Smuggling Office, Chairman ng Dangerous Drug Board,  Hen. Domingo Reyes II, PNP Regional IV Director,  at Hen Doroteo Reyes II., AFP JAGO.  Mons. Juan Bautista, Tranquilino Cruz  at Bartolome Bernabe ay naging Military Chaplain ang  mga natatangi

             Samantalang sina Dr. Roque, Dr. Salvador at Dr. Concepcion ay naglingkod sa AFP Medical & Dental Services. Col. Sotero Morales ay naging Provincial Commander ng Abra. Si Col. Antonio Lopez, naging Provincial Commnader ng Aurora at Catanduanes.

             Ang mga naging Punong Barangay na naging Kagawad ng Sangguniang Bayan (Konseho Munisipal) ay kinabibilangan nina Tomas Sy Alvarado Sr., Sto. Rosario, Cresenciano “Ato” Bautista, Sto. Rosario, Toti Raymundo, Sta. Cruz, Pedro Santos, Mercado, Conrado Salamat, San Nicolas, Gabriel Morales, Sta. Monica, Graciano Castro, Sto. Nino, Jose Santos, San Sebastian, Ramon Atienza, Pugad at Pio Laderas, San Isidro.

            Ang paglilingkod ng tapat ni Alkalde Hermogenes B. Perez ay nakatitik na sa ginintuang ng kasaysaysan ng Hagonoy. Siya ang may pinakamahabang panahon ng paglilingkod bayan. NAhalal siya nuong 1971 at nanatili sa puwesto hanggang Pebrero, 1986 nang ng Pamahalaang Aquino ang lahat na halal ng mga Punong Lalawigan, Bokal, Punong Bayan at Kagawad ng Sangguniang Bayan. Sa panahon ng kanyang paglilingkod, ginigugol niya ang kanyang panahon sa pagtugon sa mga pangagailangan ng bayan. Sa kabila ng maliit na kita ng bayan, hindi ito naging sagabal, ngunit sa tulong nina Kin. Natividad, Gob. Santiago, Kal. Ople at sampu ng mga kagawad ng Sangguniang Bayan, maraming prohekto or pagawaing bayan ang naisagawa niya.  Kabilang dito, sa tulong ni Kon. Ato Bautista, napaghabol ang kaso ng pamumuwisan sa palaisdaan ng pamahalaan, pagpapagawa ng pamilihang bayan, mga tulay, lansangan, silid paaralan, pagtulong sa mga mangigisda at magsasaka, mga guro, paglikha ng Hagonoy Water District,at pagpapatatag ng kabuhayan ng mga mamamayan. Ito'y ang ilang  sa kayang pamana sa Hagonoy. Tulad din siya ng kanyang ama na si Alkalde Emilio G. Perez, na nagiwan ng bakas ng kaunlaran sa Hagonoy, lalo na ang pagkakatatag ng hospital,na ngayon ay kilala sa tawag ng MAYOR EMILIO G. PEREZ DISTRICT HOSPITAL. 

 

 Go  to Top  

 

Mga Kababaihang Hagonoy - Lingkod Bayan

            Katangi-tangi rin ang paglilingkod ng mga kababaihang Hagonoy naging sa larangan ng pulitika bilang kagawad ng Sangguniang Bayan, o Pangalawang Punong Bayan o Punong Bayan. Ginugol nila ang ilang bahagi ng kakangata at ginituang buhay nila sa paglilingkod sa bayan.

            Kabilang dito sina Gng. Valenta Dizon, asawa ni dating Konsehal Raymundo Garcia, ng San Nicolas, Gng. Raymunda Medina-Bernardo, Sta. Monica, Gng. Salud del rosario-Joaquin, San Isidro, Gng. Ramona S. Trillana, Mercado,dalawang utit naging Pangalawang Punong Bayan, minsang naging Punong Bayan at konsehala, Dr. Maria Santos-Garcia, San Miguel, dalawang utit naging Pangalawang Punong Bayan, minsang naging Punong Bayan at konsehala, Gng. Josefina Ramos-Contreras, San Agustin, naging konsehal at ngayon ay Pangalawang Punong Bayan, Gng. Juliana Bernardo-Perez, na hirang na Konsehela matapos namatay ang kanyang asawa, Punong Bayan Emilio G. Perez, Gng. Teresita Flores-Garcia, Sa Juan, anak ng dating Konsehal Deogracias Flores, Gng. Leonie Dimag-iba-Ramos, dating Kapitana de Barangay ng San Agustin, Sektoral representative at halat ng konsehala, awaswa ng dating Konsehal Dalmactio Ramos, Perla Balatbat, San Nicolas, anak ng dating Konsehal alejandro Balatbat, Gng. Tersita Raymundo-Cruz, Sta. Cruz, anak ng dating Konsehal Victoriano Raymundo at kapatid ng dating Konsehal Manuelito :Nonong" Ryamundo, Gng. Fl,ora Salamat, San Nicolas at Gng. Athena Santos- Cruz, Sta. Monica, anak ng dating Kapitan de Barangay ng San Agustin at tatlong uloit na halal na Konsehala.

  Go  to Top

 

Mga Samahang Pambayan

             Ang Kilusang Pang-iskauting ay naging masigla sa pasimula pa lamang. Ang mga gawaing Pang-iskauting ay naging mainit at  makabuluhan sa pagtugon sa mga pangagailangan ng mga kabataan. Hinubog sila sa pagbuo ng mabuting asal at ugali  ang mga kabataang mag-aaral tungo sa pagiging mabuting mamamayan. Hinasa sila sa mga gawaing pamsarili at pambayan  Nagdaos sila ng camping, paligsahan at hiking para lubusang mahubog ng husto ang kanilang kaisipang moral at pisikal. Nagtatag si Kon. Bautista ng Senior Scouts mula sa out-of school youth. Isa dito ay naging pare, si Padre Norman Reyes ng Sta.Elena.

             Si Kal. Blas Ople, Kal. Manuel Syquio  at Leonardo Balatbat ay naglingkod sa Tanggapang Pambansa ng Boy Scouts of the Philippines,  si Deogracias Flores, naging Pangulo ng BSP Bulacan Council at Kawagad ng BSP National Executive Committee, si Kon. Ato Bautista, naging  Pangalawang Pangulo ng BSP Bulacan Council at Tagapangulo ng Award Committee nito at Tagapangulong ng Lupong Pambayan.

             Sa Pambayan Kilusan, naging masikap ang mga lider na pataasin ang antas ng paglilingkod sa bayan at kapuwa. Sa kainitan at kasiglahan nito, maraming mamamayan ang nasangkot, naki-alam, naki-isa at nakilahok sa bawat Gawain. Ang mga magulang ay buong pagkakaisang tumulong sa pagbibigay ng lubusang suporta sa kanilang mga anak upang maging matagumpay ang kilusan.

              Kabilang sina Tomas Sy Alvarado, Sr., naging Pangulo ng Lupon Pambayan,  Ato. Bautista, naging Pangulo ng Pambayang Kilisang Pang-iskauting, naging Assistant Head ng Bulacan Delegation sa Central Luzon Regional Jamboree, Teresa, Rizal at Head, Bulacan Delagstion sa Central Luzon Mini Olympic, Mt. Arayat, Pampanga., si Kon. Flor Tallara, naging Head ng Hagonoy Delegation sa Jamboree na idinaos noon sa Palawan Sina Lucio Santos, Quirico Manalo, Dr.Andres Sy Reyes, Romeo de Pano,  at Ernesto Lopez at mga guro sa paaralang pambayan at pamsarili ay lubhang nakilahok sa kilusan.

             Ang mga Punong Bayan, ilang Kagawad ng Sangguniang Bayan at boluntaryo ay nagbigay tulong at  suporta sa Kilusang ito.

             Sa pagpapstaas ng antas sa  kaalamang ng mga Scout Leaders, pinag-aral ng Commisioneer Wood Badge Course sa Los Banos, Laguna si Kon. Ato Bautista at nagtapos din siya ng National Trainor Course, BSP Region III, kaya’y siya ay Two Beads Holder, si Arthur Higgins, Silvino Manila ay pinag-aral sa Wood Badge Course, Mt. Makiling, Los Banos, Laguna. Nasundan pa ito ng maraming scout leaders sa ngayon.

             Maipagmamalaki din ng mga taga Hagunoy ang pagkakagawad kina Deogracia Flores ng Gold Usa, Ato. Bautista, Silver Usa, Jose Marcelino, Bronze Usa at Alfonso Tolentino Bronze Usa. Ang Usa Award ay isa sa pinakamataas na award na ipinagkakaloob sa indibiduwal dahil sa kanilang bukod tanging paglilingkod at kontribusyon sa kilusang pang-iskauting na kinilala ng BSP National Executive Board

             Ang Hagonoy Question Mark Club ay maituturing na isang samahan ng mga bukod tanging anak Hagunoy. Aktibo ito sa lahat ng larangang pambayan at panglipunan. Isa sa mga ambag nila sa bayan ay ang pagkakagawa ng Crisostomo Park, dating  Gloryeta na ipinagawa ng dating Punong Bayan Romualdo Crisostomo. Isinagawa ito sa panahon nina Luis Ople at Aurora Syquio, bilang pangulo at sa tulong ng Pangasiwan ni Alkalde Emilio Perez.

             Ang  Samahang Matiwasay, itinatag ng grupo nina Abogado Pascual Reyes, Engr. Benedicto Yambao at Manuel Guevarra. Ito’y tumutulong sa pag-aaral ng  mga mahihirap ngunit marurunong na mag-aaral. Gayon din, sa bawat taon, nagbibigay sila  ng aguinaldo sa mga bata ng  barangay na pinipili nila. Sa taun-taun, iba’t ibang barangay ang pinupuntahan nila.

             Ang Rotary Club ay masigasid sa pagliligkod at pagtulong sa mga mamamayan sa panguguna ng mga pinuno nito. Tumutuong ito sa mga mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad, nagbibigay ng tulong pang-edukasiyon,  medical  at ibang gawain kapakipakinabang sa mga mamamayang taga Hagonoy.

             Ang Lions International ay itinatag ng grupo nila  Rene Syquio at Nestor Tinio, nugnit hindi ito nagtagal at naglaho na.

             Ang Kalipunan ng mga Mananangol ng Hagunoy (KAMAHA) ay itinatag ng grupo nila Abogado Ricardo Mangahas, Pascual Lakas, at iba pa upang magbigay ng serbisyo legal sa mga kapus palad na mahihirap na usapin sa hukuman.

             Ang Kapisahan ng mga Retiradong taga Hagunoy (KAPREHA) ay binuo nila Abogado Dominador Catalig at Jose Salazar upang pag-isahin at buklurin ang mga retiradong kawani na gumugol sa kakanggata ng kanilang buhay sa paglilingkod sa bayan.

             Ang Samahan ng mga Beterano ay binuklod ng mga beterano ng digmaan at kaanak nila. Pinagmamalasakitan nila ang kapakanan ng bawat isang beterano or kaanak. Suportado ito ng pamahalaan at  ng ilang mamamayang sibiko. Si Col. Manuel Syquio, Kal. Blas Ople, Eliseo Vengco, Max Macale, Leonardo Balatbat, Jose Marcelino, Peding Pascual, ang mga pangunahing lider ng  mga beterano. Sa kasalukuyan, si Peding Pascual ng Sta. Monica ay pangulo nito.

             Ang Hagunoy Family Planning Council ay binuo ni Alkalde Hermogenes Perez upang palaganapin ang kabatiran at kaalaman sa wasto at responsableng pangpapamilya. Ang panunuan nito ay  sina Gng, Marta Zuniga, Pangulo, Kon. Ato. Bautista, Pang. Pangulo, kasama sina Dr. Juan Santos, Gng. Eurofrocina Guevarra, Bise Mayor Andres Laderas. Nagpunta sila sa bawat barangay na kasama ang ilang panauhin upang magbigay ng tamang inpormasyon sa mga magulang ukol sa pagpaplano ng pamilya. Ngayon, ang pamahalaan ay patuloy sa pagbibigay  ng wastong kaalaman sa pagpaplano ng pamilya.

                 Ang Samahan ng mga Senior Citizens ay laganap na sa bawat barangay. May pamunuang pambayan ito upang tumulakay sa mga pangagalingan ng mga kasapi. Sa pambayang lupon ng mga Senior Citizens,  si Manual Guevarra ng Mercado ay nangulo at sa kasalukuayn ay si dating Konsehal Pacing Lopez ng Sgda. Familia.

                 Ang BANGKILAS ay nakikila sa panahon ng pangasiwaan ni Alkalde Alvarado. Ito’y isang samahan o kalipunan ng mga maliit ng mangigisda. Binuo para pangalagaan ang interes nila laban sa mga mapanupil na propertaryo. Hindi ito nagtagal at naglaho din parang bula.

                 Ang KAHIT DUKHA AY DAKILA ng Mercado ay naitatag sa tulong ni Hen. Jose de los Reyes. Ito binuo ng  mga maliit at mahihirap ng mangigisda na gumamit ng DALA. Ang dala ay isang uring ng panghuli ng isda at ibang lamang ilog sa pamamagitan ng paghahagis ng lambat pabilog mula sa iang banka. Ipinagpapatuloy pa ito ng mga apo at kamag-anak ng dating kasapi, bagamat tila wala na ang DALA. Ang ispiritu at diwa nito ay nanatiling buhay sa bawat puso ng mga taga Mercado.

  Go  to Top

 

Sasakyan Pangtubig at Katihan 

                SA simula pa lamng, ang bangka at sagwan ang gamit ng mangigisda at ng  ibang tao sa kanilang paghahanap buhay at pagdadala ng kalakal sa pamilihin. Si G.Felix Ople, ang ama ni Kal. Blas Ople at lolo ni Mayor Felix Ople ang isa sa mga mandadaras o gumagawa ng bangka noon. Pangkaraniwan na, ang baul o punong kahoy na ginagawang bangka ay galing sa Bataan. Ang paraw ay ginamit din sa pagdadala ng kalakal sa maramihang  bulto patungo sa malalayong lugar. Ang paraw ay isang uri ng malalaking bagka na ang gamit  ay gaod sa pagpapausad dito., Ang gaod ay mahabang uri ng sagwan na itinulak at kinabig sa tubig upang magkaron ng lakas sa pagpapausad  nito. Ginagamitan ito ng tipon para sa direksiyon ng paraw.

                Higit na mas malaki ang kasko na ginagamit sa maraming kargamento. Ginagamitan ito ng tikin. Ang tikin ay isang mahabang kawayan na itininutok sa ilalim ng tubig at saka lalakad ang may hawak nito  buhat sa dakong unahan hanggang sa hulihan ng kasko. Ginagawa ito paulit-ulit hanggang umabot sa pupuntahan.

                 Sa katihan naman ang naghahaari sa lansangan ay kalesa at karetela na hinihila ng kabayo. Ang kareta na hinihila ng kalabaw  naman ang ginagamit ng mga mangsasaka patungong pamilihan o kahit saan lugar.

                 Nang dumating ang mga Amerikano, nauso ang  bangkang de motor.hanggang lumaganap na ang paggamit nito ng mga mangigisda  At sa katihan naman ay jeep at sa ngayon mga tricycle, di sikad o de motor, at Asian Utility Vehicles tulad ng FX ang uso.

                 Bago pa magka-digma, ang mga nagtitinda ng pawid mula sa San Nicolas ay gumamit na  ng mga trak, bagaman ang iba ay gumamit ng kasko.

                 Sa pagtungo sa ibang malalayong lugar tulad ng Maynila, ang Pambusco ay naglingkod sa publiko. Matapos ang digmaan, ang ABTRANCO na pag-aari ng mga Ablaza ng San Nicolas ay sumubok sa paglilingkod ngunit parang di tinangkilik ng mga mamamayan dahil sa pagbibigay ng mababang bayad sa pasahe  ng Pambusco. Ito'y naging La Mallorca-Pambusco hanggang 1972.

                 Nang dumating ang paglubog ng La Mallarco-Pambusco, ang  Pantranco sa tulong ni G.Avelino Mangahas ng San Jose at Mercado, ang Pangulo nito ay pumasok sa linya ng Hagunoy at Maynila sa ilalim ng Provisional Permit ng Public Service Commission. Gayon  din, ang Baliwag Transit ay pinasok ang linyang ito sa ilalim ng isang Provisional Permit ng Philippine Service Commission. Naghain ito ng palagiang pahintulot sa PSC at sa mga pagdinig nito sa PSC, tanging si Konsehal Ato. Bautista lamang ang tumayong testigo sa panig ng Baliwag Transit bagamat ang grupo na pinangungunahan ni G. Jose Salazar ay nagsuporta sa kanya. Nagbigay ito ng  permiso at sila pa rin ngayon ang naglilingkod sa lingyang Hagunoy at Maynila. Ang pagdating ng Royal Eagle ay  lubhang nagustuhan ng mga taga Hagunoy dahil nawasak ng monopolya ng Baliwag Transit. Ang Royal Eagle, na karamihan ng trak nito ay pawang air-conditioned, ay sinisilbihan ang linyang Pasay-Hagunoy.

  Go  to Top

 

Ilaw Dagitab

             Bago pa sumambulat ang digmaan, ang Hagunoy ay naliliwanagan ng ilaw dagitab mula sa paglilingkod ng MERALCO. Ngunit nawala ito sa panahon ng digmaan. Gumamit ang ilaw na di kalburo o langis na may timsim ang mga tao. Matapos ang digmaan, nagkaroon ng  serbisyo ng ilaw elektrisidad sa Sto. Rosario at mga karatig  nayon sa pamamagitan ng isang malaking generator na  pinamanihalaan nina G. Pepe Medina at Simeon Rodriquez.,

             Nang ito’y nawala, karamihan ay gumamit ng mga kandila, ilawang de gaas o koleman.

             Dumating ang Hagonoy Electric Company na pag-aari ng pamilya ng Halili at Robles hanggang magkaroong ng First Bulacan Electric Cooperative sa bisa ng bagong batas sa electric cooperative. Naging Pangulo nito si Atty. Pascual Reyes na  kumatawan sa Hagonoy.

             Sa pagpupunyagi at tulong ni Kal. Blas Ople at pakikiisa ng Pamahalaan Bayan ni Alkalde Perez, ang paglilingkod ng Meralco ang pumalit sa Hagonoy Electric Company at pinaglingkurang ang lahat ng nayon pati ang Pugad at Tibaguin sa tabing dagat.

  Go  to Top

 

Palakasan

             Namamayani noon ang sipa. Ang sipa ay isang maliit na bolang yari sa yantok. Nilalaro ito ng solohan at dalawahan at may lambat ng gitna ng court. Sinisipa ang bola palipat sa katunggali. Sikat sina Valentin Santos ng Mercado at Along Santos ng Sto. Rosario sa larong ito.

             Ang mga kabataang lalaki naman ay naglalaro ng volley ball. Sikat ang larong ito dahil bawat nayon ay may  koponan. Sa bawat pista ng nayon, hindi nawawala ng labanan ng mga koponan. Sikat ang koponan ng Sta. Cruz, San Pascual, Sto. Rosario, San Jose at Sapangkawayan.  Maging ang mga paaralang pribado ay may koponan ng volleyball.

             Mayroon mahahihilig sa softball. Sa mga pistang nayon ay lagi itong nilalaro. Naglalaban din ang mga dayuhang manlalaro.

             Hindi napahuli ang larong basketball. Ang bawat nayon ay maykanya kanyang koponan na panlaban sa mga paligsahang nayon o pambayan man. Sikat noon ang Lopez Knight ni dating Konsehal Jose Lopez  ng Sgda Familia, Suntay Cavaliers ni Choy Suntay, ang San Agustin Bombers sa pangunguna ni Thelmo Santos na manlalaro ng Jose Rizal College sa NCCA, ang Sta. Monica at Sto. Nino at Sto. Rosario.

             Sa paraalang pangpribado, mahigpit na magkaribal ang St. Anne’s College sa panguguna sa G.Eliseo Vengco at ang Hagonoy Institute, ni G.Ricardo Tuason, aka Fighting Karding. Sa papista ng ilang nayon lalo ng Sto. Nino sila ay laging naghaharap at nagsusukatan ng galing at abilidad.

             Sa ngayon ang basketball na lamang ang tanging pinag-uukol ng pansin ng mga kabataan. Sa mga paligsahan ng bawat pista ng barangay, nagsusukatan ng galing ang mga koponan.

            Si Art de la Cruz  ng San Pedro ang pinakasikat na manlalarong galing Hagunoy dahil siya ay kasapi ng Koponang San Miguel ng PBA. Si Jackie Trillana ng Sto. Rosario ay nagpakita rin ng galing sa ibabaw ng lona bilang isang boksigero.

             Minsan naging tampok din ang tennis sa panahon nina Alkalde  Perez at Alvarado ngunit nang nawala na ang tennis court sa gilid ng Gusali ng Pamahalaang Bayan, nawala ang sigla ng mga manlalaro.

  Go  to Top

Pangbabangko

              Si Dr. Federico Suntay  ang nanguna sa pagtatayo ng bangko sa Hagunoy. Ito ang Hagonoy Rural Bank na pinamahalaan ni Dr. Andres Sy Reyes bilang manager. Matapos ang mahabang panglilingkpod nito, pinalitan ang pangalan ng kanyang apo at naging East Coast Rural  Bank of Hagonoy. Minsan ang sangay nito sa San Pascual  ay napagnakawan . Sa madaling panahon, pinalitan ni Dr. Federico Suntay ang nawala kahit walang nagpanik.

             Nagkaroon ng People Mutual Bank ngunit nasara ito kaagad. Ang Republic Bank ng mga Roman ay nasara din at napasalin sa ibang may-ari na ngayon ay Maybank. Ang Town Saving ni Joey Santos ng Pulilan ay nasara at nabenta sa WinBank. Ang Paluwagan ng Bayan  ni Atty. Lourdes Lontok-Cruz, ang Rural Bank ng San Miguel at ang Rural Bank of Guiguinto ay nagsara rin.

             Tanging ang Planters Development Bank, Metro Bank, East Coast Rural  Bank of Hagonoy, Equitable Bank, WinBank at MayBank  ay nanatiling bukas at patuloy ang paglilingkod sa publiko.

  Go  to Top

Kooperatiba

             Si G. Cipriano Villanueva ang unang nagtatag ng kooperatiba sa San Pascual at Sto. Rosario ngunit hindi ito naging matagumpay. Si G. Geronimo Victoria, Taga-masid Pampurok ng Paaralang Bayan ay nagtatag din ng koopertiba na ang mga kasapi ay pawang mga guro ngunit sinawing palad na hindi nagtagumpay.

             Mula nang likhain ang Batas sa Kooperatiba sa Kongreso sa pamamagitan ng pagsisikap ng Senator Agapito Aquino, maraming kooperatiba ang naitatag sa Hagonoy tulad, Sta. Ana, San Sebastian, Sto. Rosario, Mercado, at maremi pa. Maunlad at nakakatugon ito sa mga pangagailangan ng mga kasapi sa bawat barangay.

  Go  to Top

Parola sa Pugad

             Palibhasa ang Hagonoy ay nasa hangganan ng Manila Bay kaya daaanan ito ng mga malalaking bangkang  pangisda. Ang mga mamamalakaya ay lumalabas sa dagat mula sa sa baybayin ng Pugad, Tibaguin, Mayhagunoy, Lagyo, Makakangkong, Manuhol, Mabaong Munti at Mabaong Malaki, Gumitna at ibang galing sa Sapangkawayan o Pasak. Sa panahon ng sigwada at masama ang panahon kung may bagyo, ang parola sa Pugad at Mayhagunoy ay nagsisilbing tanging patnubay ng mga naglalayag na tuntunin ang landas at daan patungo sa ligtas na lugar. Ang Parola sa Pugad ay laging may ilaw gabi-gabi at nagtatalaga ang Pamahalang Bayan ng isang taga-alaga nito. Subalit ang parola sa wawang  Mayhagunoy ay hindi nagagamit at pabayaan na.

 Go  to Top

Bantay Dagat

             Pinasimulan ni Alkalde Ople ang pagtatalaga ng ilang tanod or bantay dagat upang pangalagaan ang ating karagatan sa mga masasamang elemento ng lipunan at panatilihim ang kalinisan ng dagat at ilog at sa  illegal fishing. Kamakailang lamang nakahuli sila ng illegal na troso na galing sa Bataan sa baybayin ng Pugad para gawin bangka. Si Alkalde Ople ay tumanggap ng pagkilala sa kanyang matangumpay na gawing ito.

 Go  to Top 

 

Wastong Pagtatapon ng Basura

             Sa pag-alinsunod sa Batas Republika Blg. 9003, The Ecological Solid Waste Management Act of 2000,  ang Pamahalaang Bayan ng Hagonoy sa pangasiwaan nina Alkalde Alvarado at Ople sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan ang wasto pagtatapon ng basura ay isinasagawa sa bawat barangay. Ang isa sa mga layon ng batas na ito ay masiguro o matiyak  ang panggagalaga sa kalusugang pangmadla at ng kapaligiran. Sa kabila ng pagsisiskap ng pamahalaan  na ipatupad ang batas na ito, ilang mamamayan ay di pa mulat at pikit ang mata at bingi sa adhikain ng batas. Patuloy pa rin ang pagtatapon ng kanilang basura may halong plastik sa kailogan. Ito ang isang dahilan sa patuloy na pagbabaw ng kailogan at pagkamatay ng marine life. Ang plastic ay tumatapal sa burak at nawawala ang hangin para sa  isda at lamang ilog. Ang plastik ay natutunaw lamang paglipas ng 150 taon.

             Ang bawat Pamahalaang Bayan ay kailangang bumubuo ng Municipal Waste Management Board, na pinamumunuan  ng Punong Bayan, kasama ang isang Kinatwawan ng Sangguniang Bayan, na magiging Tagapangulo nito, Pangulo ng ABC, Chairperson ng Kabataang Barangay, isang NGO kinatawan, isang kinatawan mula sa cycling industry, isang klinatawan mula sa manufacturing or packaging industry, isang kinatawan sa bawat kinauukulang tanggapan ng pamahalaan.

             Ang Pamahalaang Bayan ay may trak na paghakot ng basura at ito’y iniipon sa isang sitio sa Abulalas. 

  Go  to Top

Aklatang Bayan

            Hindi malilimutan ng mga taga Hagunoy si Gng. Salud Carlos, na asawa dating Ingat Yaman Bayan ng Hagonoy. Siya ang pangunahing nagsikap na magkaroon ng Aklatang Bayan at sa tulong mga mamamayang makabayan at ng Pamahalaan Bayan Nagpasalin-salin ang panahon. Nagkaroon ng iba’t ibang Librarian dito. Ito ay pasailalim ng patnubay ng National Library sa pamamagitan ng Provincial Librarian ng Bulakan. Ang National Library ang nagkakaloob ng mga aklat ito. Ang ilang mga naging Municipal Librarian dito ay sina Fe Atienza, Honorata Mendoza at Concepcion Bauitista. Si Gng. Bautista ay nagsikap na  mapaunlad ang Aklatang Bayan at siya’y nahingi ng maraming libro mula sa Tanggapan ng Unang Ginang Imelda Marcos at sa Asia Foundation. Sa kasalukuyan, ang Municipal Libraian ay si Gng. Teresa Matias, dating Provincial Library employee sa panahon pa nang yumaong si Gng. Jessie Bernabe Capulong, ang Provincial Librarian. Umaabot average na 30 mag-aaral ang gumagamit ng lirary sa bawat araw. Umaabot 2,000 volumes ang mga aklat dito ngunit ang karamihan ay “obsolete” na at walang palagiang supply ng diyardo at bagong aklat sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan.

  Go  to Top

 

Himlayang Bayan

             Nuong panahong ng digmaan, ang tanging himlayan ng mga mamayapang mamamayan ay walang iba kundi ang sementeryo sa  likod ng simbahan ni Sta.  Ana. Samantala, ang Pamahalang Bayan ay naglaaan ng lugar sa Peralta, likod ng bisita ng San Sebastian ng isang lote para libingan ng mahihirap at ng di katoliko. Dahil sa panggagailangan nung panahon ng digmaan, , ang isang bahagi ng lote na  ngayon ay kinatitirikan ng San Jose Elementary School ay ginawang pamsamantalang libingan ng mga namayapang biktima ng digmaan na lumikas dito mula sa Bataan.

             Marahil dahil sa layo ng mga nayon sa kabayanan minarapat nila  na magkaroon sila ng sariling sementeryo, tulad sa Sta.Elena, Sto. Rosario, Iba at San Juan.

             Ang Raymundo Memorial Park sa likod ng Simbahan ng Sta. Ana at ang himlayang ipinagawa ni Atty. Popoy Reyes sa likod ng sementeryo ng Sto. Rosario ang  nadagdag. Naging sa San Juan ay mayroon din Himlayang San Juan na ipinagawa nina Abogado Angel Cruz at sa Iba naman ay ipinagawa ng pamilya Faustino.

  Go  to Top

 

Tanda ng Pag-unlad

             Kitang-kita ang palatandaan ng patuloy na pag-unlad ng Bayang Hagunoy. Mulat ang isipin ng mga mamamayan sa pagpapahayag ng kanilang damdamin tuwing may malalaking isyu na pag-uusapan para bayan. Hindi na tikom, may busal ang bibig at  may kadena ang knailang  kamay sa pagsulat. Malaya na silang nagpahalayag.

             Sa panahon ng pangsiwaan ng Alkalde Maria Garcia, nagpakita at nagpamalas ng pagkakaisa ang mga mamamayan nang nagdaos ng isang malawakang rally sa patyo ng simbahan ni Sta. Ana para ipahayag ang pagtutol  sa mataas na singil sa koryente ng Hagunoy Electric na pag-aari ni Pablo Halili sa panguguna ni G.Amado Tolentino ng Sta.Elena.

             Nagpahayag ng pagsalungat ang mga taga pamilihing bayan at ibang pangkat ng lipunan sa balakin ng Pamahalaan Bayan na gibain ang Gusaling Gabaldon na doon may silid paaralan ang Hagunoy Elementrary School. Makasaysayan kasi ang mga gusaling Gabaldon. Ito ang mga unang gusaling pampaaralan na ipinatayo ng pamahalaan na ang inilaang  pondo dito ay galing paglalaan ng Gabaldon Act. Si  Kinatawan Galbaldon ay taga Nueva Ecija, na Kagawad ng Batasang Lehislatura. Balak noon na ipagpalit ang lugar sa isang lote sa tapat ng gusali ng Pamahalaan Bayan para sa isang malaking supermarket. Ang bilang ng  silid paaralan na gigibain ay papalitan sa bagong lugar. Isinabayan ito ng paglalathala ng munting pahayagang balita (news letter)  ang TINIG ni Konsehal Ato Bautista.

             Subalit dumating ang hangganan ng pangagailangan na dapat alisin ang Gabaldon Building dahil hindi na tumpak  at tumutugon ito sa  mabuting pag-aaral. Maraming sagabal dito tulad ng ingay ng mga makina ng sasakyan na maaaring maging mapanganib sa kaligtasan at kalusugan  ng mga mag-aaral. Kaya’t ipinasiya ng Pangasiwasaang Alvarado ng buwagin ito at magtayo ng gusaling pampamilihan at ang mga silid paaralan ay ilipat sa Mary The Queen Subdivision sa San Sebastian na lubos ang kaligtasan  doon ng mga batang  mag-aaral. 

             Sa panahon ng pangagasiwa ni Alkalde Perez madalas ang rally at kung may minsan may dala pa ring kabaong na nababalutan ng telang itim upang ipadama  nila ang kanilang pagkasiphayo sa kanyang pamamalakad. Nuong 1972, nagdaos ng rally ang mga tindera ng Pamilihang Bayan sa laban sa pagtatas ng singilin sa pamilihan. Si Kons. Ato Bautista ay bumalangkas ng Municipal Tax Code sapagkat ang umiiral ng bayaran sa puwesto at paninda noon ay pinagtibay pa sa panahon ni Alkalde Catalig, taong 1948. Nagdaos ng kaukulang public hearing sa palengke para dinggin ang panig ng lahat. Kinatawan ang mga tindera ng Samahang ng Market Association sa naturang public hearing at nagkasundo sa punto ng pangkakaunawang mutuwal. Ito’y  pinagtibay ng buong Sangguniang bayan.

             Ang mga taga sunod at lider ni Vice Mayor Eling Laderas ay nagdaos ng isang madamdaming rally sa pagtutol sa kinalabasan ng halalan na pinaglabanan nina Laderas at Alvarado nuong 1995. Natalo ang una.

             Hinog na mga isipan ng ating mga kabataan sa pakikibaka at paghingi ng pagbabago.

             Sa mga nagdaang panahon, ang bayang Hagonoy ay ipinalalagay ng batya ng Gitnang Luzon. Dito bumababa ang tubig mula sa Ilog  Pampanga at Nueva Ecija sa tuwing malakas ang ulan. Dito naiipon ang tubig baha sa loob ng halos isang buwan. Nakababad ang buong bayan sa tubig. Nakaka pinsala ito sa kabuhayan. Nakakasira ng panamin sa bukirin. Lulubog ang ilang palaisadaan. Nagdudulot ito ng sakit. Subalit nang hukayin ang Labangan Channel mula sa Ilog Pampanga na dumaan sa San Pedro at Sta. Elena tungo sa dagat, ang baha ay na halos di naramdaman sa kabuuan. Madaling kumati ang tubig baha  at hindi na nakakapinsa tulad ng dati.

             Nang humukayin ang Labangan Channel, ang Mababang Paaralan ng San Pedro ay dinaanan. Ito’y inilipat sa isang lote na pag-aari ng pamilya Cojuangco.

             Ang Kalsadang nag- uugnayan sa San Pablo at Sta. Elena ay nayari at napaiksi ang oras ng biyahe tungo sa pamilihan. Kasalukuyang ginagawa ang  diversion road  mula sa Balot, San Agustin patungong Kabayanan upang maiwasan ng mahigpit ng trapiko sa San Agustin-Sto. Nino.

             Ang Kabayanan ay isang pook komersiyal na. Dito nakatayo ang Hagunoy Malls ng pag-aari ng Pamilya Cruz ng San Juan.  Makikita ang bagong gusali ng St.Mary Academy na katapat ng Crisotomo Park at ang  Jollibee,  ang Mercury Drug, ang Save More Drug Store, Drug Stores nina Dr. Roquez, Dr. Lopez, at Dra. Tempongpo at kanilang klinika medikal at klinika ni Dr. Nazarino. Gayon din ang pagkakatayo ng San Agustin General Hospital ni Dr. Batallones at  Divine Word Hospital, ni Dr. Tan. 

             Hindi maiiwasang banggitin  ang pagiging National Shrine ang Simbahan ng Sta. Ana. Ang pagkakaroong ng isang magandang Memorial Park ng mga Raymundo, Resort ng mga Panganiban sa San Miguel, mini super markets ng Sweet Home at Tia Maria, mga makabagong parlors, derm / facial clinics, istasyon ng Royal Eagle at Baliwag Transit, ang pgdagsaan ng mga bangko, pagdadagdagan ng gusali ng Mayor Emilio G. Perez District Hospital, Aldaba Health Center at Physical Therapy at Rehabilitation Centers, pagpapatayo ng bagong gusali ng himpilan ng Pulisya, Post Office, pagpapalawak ng paglilingkod ng Hagunoy Water District sa buong bayan, pangpapasigla ng mga mga pondong kalakal dagat at mga pamilihin maging sa ilang pamilihan pangbarangay, at ang dami ng mga sasakyang pampasahero, paglaganap ng mga Barangay High Schools, at pagkakaroon ng hanap-buhay dito at sa ibang bansa.

             Ang mga pagawaing bayang pinunduhan ng Countryside Development Fund ng mga Kinatawan at Senador at ng Pamahalang Bayan sa tulong ng Punong Bayan, Ople at Sangguniang Bayan sa panguguna ni Vice Mayor Josefina Ramos-Contreras ay patuloy na isinasagawa.

             Ang  madalas na pagdadaos ng Job Fairs, at medical missions ay sagisag ng makataong pagkalinga at pagmamalasakit ng Pamahalang Bayan ni Alkalde Ople.

             Kasabay ng mga kaunlarang  ito ang mga pagtatayo ng kainan at inuman sa Halang at gasolinahan sa ilang Barangay ay dumami.

             Ang higit na mahalaga at mapagtutuunan ng pansin ay ang paglaki ng kita ng Kabang Yaman ng Pamahalan. Ang pondo ay siyang dugo ng  bayan. Lubos ang pakikiisa ng mga mamamayan sa pangsiwaang Ople sa isang maunlad ng bayan. Para sa taong 2003, ang tinatayang kita at gugulin ng Pamahalang Bayan ay  gaya ng sumusunod ayon sa inihanda ng Tanggapan ng Municipal Budget. Subalit, ayon sa mapagkakatiwalan pinagmulang ng inpormasyon sa Sangguniang Bayan, ang Punong Bayan ay hindi na nag-submit ng proposed budget para sa taong 2003, sa kabila na pagpapa-ala-ala sa kanya ng Sangguniang Bayan.

                         Tinatayang Kita            - P112,189,857.36

                        Tinatayang Gastos            - P109,353,147.90

             Ipinag-uutos ng Local Government Code of 1991, Section 318 na ang  chief Executive (punong Bayan) ay dapat mag-submit ng panukalang budget bago o sa ika ng Oktubre ng kasalukuyang taon sa Sangguniang Bayan. Kung hindi ito mai-submit, maaaring managot sa batas na nagpapataw ng parusang kriminal at administratibo. 

            Sa pagkukumpara sa mga nakalipas na taon  ang tinatayang kita at guguling ito para sa taong 2003 ay hingit na mas malaki , gaya ng sumusunod: 

Taon

 Revenue/kita

Gugulin

2001

P 65,345,071.78

P 65,754,330.64

2000

P 66,370,424.92

P 67,339,502.89

1999

P 53,283,459.79

P 55,891,543.19

             Dito nangagaling  ang pambayad sa suweldo ng mahigit na 300   opisyal at kawani, kabilang dito ang 170 casuals at 70 contractuals,  at  bayaran sa  obligasyon at pagawaing bayan.

             Ang Bayang Hagonoy ay pasulong pa sa magandang hinaharap ng bagong bukang liwayway ng bagong pagasa ng pagkakaisa, kapatiran, at katarungan. Sa pagsinag ng bagong tala na uugit sa pamahalaan sa pagtahak sa landas ng kasaganaan ng bawat isa ay hindi mananatiling pangarap kundi isang mala-kristal na katotohanan sa pagsibol ng bagong kinabukasan. Darating pa ang bagong umaga kahit na itoy matagal hintayin. Ang bituin ay sisikat at magbibigay ng liwanag sa kaunlaran ng HAGONOY: ANG BAYAN KO.

 Go  to Top

 

MayAkda:

 

CRESENCIANO "ATO"  C. BAUTISTA

Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan

Tapos ng AB, BSE, 30 MA Units

Dating Kagawad at Barrio Captain- Sto. Rosario Barrio Council

Dating Konsehal Munisipal

Lider Iskaut

Retiradong Supervising Labor Employment Officer, POEA

Dating Vice President for Special Projects, Admiral Maritime Training Institute of the Philippines

Dating  Consultant Philsin Marine Tech College Foundation, Inc. (Training Center)

Dating Consultant at nanunuparang Administrator, Oilwell Drilling Technology Development Center, Inc.

Go  to Top   

 

 

Send questions or comments about this web site to reachme@my.smart.com.ph  
Copyright © 2003 DRBautista Accounting Services
Last modified: June 13, 2003