<BGSOUND src="//www.oocities.org/tingbarcellanojr/AlmostParadise.mid" LOOP=INFINITE>
   Ang DENGUE H-FEVER ay isang sakit na nakakahawa, Ang sanhi nito ay isang klase ng “virus” na naisasalin sa pamamagitan ng kagat ng lamok, ang Aedes Aegypti at ang Aedes Albopictus, mga uri ng lamok na nangangagat sa araw at nabubuhay sa loob at sa paligid ng bahay.
    Ang isang tao ay maaaring magkasakit ng DENGUE H-FEVER kung siya ay kinagat ng lamok na nakakagat ng pasyenteng mayroong sakit na DENGUE H-FEVER.

MGA PALATANDAAN AT SINTOMAS NG DENGUE
          - biglang pagtaas ng lagnat na tumatagal ng 2 – 7 araw
          - pananakit ng kalamnan at kasukasuan
          - pananakit ng ulo
          - panghihina ng katawan
          - pagkakaroon ng maliliit at mapupulang pantal
          - pananakit ng tiyan
          - pagdurugo ng ilong at gilagid
          - pagsusuka o pagduduwal ng maitim ang kulay dulot ng pagdurugo ng bituka

PAANO MAIIWASAN ANG DENGUE H-FEVER?
     - Huwag mag-imbak ng anumang bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig at pamugaran ng mga    
       lamok sa loob at sa labas ng bahay tulad ng mga lata, bote at mga gulong ng sasakyan, at 
       panatilihing tuyo ang kapaligiran.
     - Hugasan at kuskusing mabuti ang mga plorera at iba pang lalagyan ng tubig isang beses sa loob
       ng isang linggo.
     - Takpan ng mabuti ang mga pinaglalagyan ng tubig upang maiwasan ang pagpasok at pangingitlog   
       mga lamok.
     - Tingnan at linisin ng regular ang mga alulod ng bahay upang maiwasan ang pag-iipon dito ng tubig-
       ulan.

MGA PARAAN UPANG MAKAIWAS SA DENGUE
     - Gumamit ng kulambo habang natutulog o dili kaya ay lagyan ng “screen” ang mga bintana at
       pintuan ng bahay.
     - Maaari ring gumamit ng “insecticide spray” na pupuksa sa mga lamok ngunit wala itong bisa laban 
       sa mga itlog ng lamok na naiipon sa kapaligiran.
     - Ang paggamit ng “fogging” o kemikal na pausok ay maaari ring isa sa mga paraan laban sa   
       DENGUE H-FEVER kung marami ang bilang ng mga pinaghihinalaang may sakit ng DENGUE H-
       FEVER sa isang pook o lugar, ngunit, tulad ng “insecticide spray”, ito ay pansamantala lamang
       kayat pinakamahusay pa rin ang paglilinis ng ating kapaligiran.

MGA MAHAHALAGANG BAGAY TUNGKOL SA MAY KASO NG DENGUE H-FEVER:
      - Ipagbigay alam kaagad sa pinakamalapit na Health Worker o Health Center kung may    
       pinaghihinalaang kaso ng DENGU H-FEVER sa komunidad base sa mga palatandaan at mga 
       sintomas na nabanggit.
      -
HUWAG MAGBIBIGAY NG ASPIRIN/ASPILET sa mga taong pinaghihinalaang may sakit ng 
       DENGUE H-FEVER para panglunas sa lagnat dahil ang aspirin/aspilet ay maaaring magdulot at 
       magpalubha ng pagdurugo ng pasyente. Gumamit ng PARACETAMOL PARA SA LAGNAT ng   
       pasyenteng may DENGUE H-FEVER.
     - Iwasan na makagat ng lamok ang mga taong may sakit ng DENGUE H-FEVER upang hindi
       kumalat ang “virus” sa lamok na kakagat uli sa mga taong walang sakit.

Para sa mga katanungan at karagdagang kaalaman, magtungo po sa pinakamalapit na Health Center o tumawag po sa mga sumusunod:
Rural Health Unit – I      Tel. No. (075) 517-2234
Rural Health Unit – II     Tel. No. (075) 517-2410
Republic of the Philippines
Province of Pangasinan
MUNICIPALITY OF CALASIAO
MUNICIPAL HEALTH OFFICE
* Ang lahat ng mga paraang nabanggit ay kasama sa tinaguriang 4 O”CLOCK HABIT na nagtataguyod ng isang kaugalian na kung saan ang mga paraan ng paglilinis ng ating kapaligiran ay ating gawin araw-araw sa oras na ika-apat ng hapon upang maiwasan ang DENGUE H-FEVER.
”MAGTULUNGAN PO TAYONG LAHAT -
“ANG DENGUE AY ATING LABANAN, MAGLINIS NG ATING KAPALIGIRAN !”
ADVISORY LIST
HOME
DENGUE FEVER