Ang opisyal na website ng UP Ibalon
(Last Updated: August 31, 2004)
You are visitor no.
[ Milestones ][ Activities ][ Officers ][ Members ][ Burabod ] [ Pictures ]
[ Sign our Guestbook ]
[ View Current Posts ]
[ View Old Posts ]
Useful Links:
FilipinoLinks
Maligayang pagbisita! Ang websayt na ito ay naglalaman ng mga impormasyon at mahahalagang bagay tungkol sa UP Ibalon, isang organisasyon sa UP na binubuo ng mga Bikolanong estudyante. Sana ay makapagsilbi sa inyo ang websayt na ito.
Ang UP Ibalon ay naitatag noong Disyembre 1, 1974 ng 18 Bikolanong estudyante sa UP Diliman. Dahilan sa pag-usbong ng pangangailangan ng mga organisasyong makialam at makisangkot laban sa diktaturya, ang Ibalon ay nabuo upang tugunan ito. Mula noon, kolektibo nang kumilos ang mga Bikolanong estudyante sa UP dahilan sa isang samahang naitatag, ang UP Ibalon.
Naniniwala ang Ibalon sa apat na layunin. Ito ay ang mga sumusunod:
*to foster unity and camaraderie among ourselves;
* to encourage scholastic excellence and leadership in all fields;
* to propagate the Bicol culture; at
* to get involved in the promotion of the social, economic and political well-being of the students, the university and the nation.
Gabay ang mga adhikaing ito, ang UP Ibalon ay nagkakaroon ng mga aktibidades at mga pag-aaral upang maisakatuparan ang mga ito. Nagsisilbi rin ang organisasyon bilang boses ng mga mamamayang Bikolano sa Kamaynilaan.
Upang tingnan ang makulay na kasaysayan ng UP Ibalon i-click lang ito.
Ang UP Ibalon ay bukas para sa lahat ng mga Bikolanong estudyante sa UP Diliman. Kailangan lang ay isa o pareho ng kanyang mga magulang ay Bikolano o may lahing Bikolano at/o siya ay nakakapagsalita at/o nakakaintindi ng salitang Bikol.
May apat na uri ng pagiging miyembro ang organisasyon. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Resident Members - sila ang mga miyembro na kasalukuyang nag-aaral pa at nakapag-renew ng pagiging miyembro
2. Non-resident Members - sila naman ang mga miyembro na kasalukuyan ding nag-aaral subalit hindi nakakadalo sa mga aktibidades ng oragnisasyon dahil sa iba't ibang kadahilanan
3. Alumni Members - sila ang pagkatapos nang maging miyembro ng dalawang semestre o mahigit ay grumadweyt na o di kaya'y linisan na ang unibersidad.
4. Honorary Members - sila naman ang nabigyan ng pagkakataon ng organisasyon ng karangalan bilang maging kasapi dahil sa kanilang mga makabukuhang bagay na nagawa sa organisasyon. Sa kasaysayn ng Ibalon, wala pang naging ganitong uri ng miyembro
Upang tingnan ang listahan ng mga kasalukuyang miyembro ng UP Ibalon, i-click lang ito.
Kung nais ninyo kaming makilala ng lubusan, maaari ninyo kaming makontak at mabisita sa mga sumusunod na impormasyon:
[ Milestones ][ Activities ][ Officers ][ Members ][ Burabod ] [ Pictures ]