"MI ABANICO"

at

"Tapunan ng Lingap"

Paunang Salita
ni Ian James Andres

Ang orihinal na texto ay mula sa ginawang pagsasaliksik ni E. Arsenio Manuel. Ang akdang "Mi Abanico" ay nilikha ni Andres Bonifacio noong bata pa siya at nakakanta pa ng kapatid niyang si Espiridiona nang siya’y kapanayamin ni E.A. Manuel.

Kung sa napaka-murang edad ay nakakalikha na ng isang magandang tula sa wikang Espanyol si Andres Bonifacio ay masasabi nating bagaman walang pormal na pinag-aralan ay may kakaibang katalinuhang taglay si Bonifacio na bihirang-bihira o hindi makikita sa kanyang mga kababata na nagsisipag-aral pa man din sa mga tanyag na Paaralan ng mga Jesuita at Prayle Agustino .

Batay sa kasaysayan, si Andres ang tumayong magulang ng kanyang mga naulilang kapatid; siya ang naghanap-buhay at nagtaguyod sa kanila sa pamamagitan ng pagtitinda ng tungkod at pamaypay. Maaring inawit din ni Andres ang awit na ito habang inaalok sa mga mamimili sa daan ang tinda niyang Abanico.

Walang nakatalang impormasyon sa aklat na pinagkuhanan ko ng akdang "Tapunan ng Ligap" o kung kailan ito nilikha ni Andres Bonifacio. Mahihinuhang nilikha ito ni Bonifacio nang mga panahong nakikibaka sila sa mga kaaway na Kastila tulad ng sinasaad sa panghuling stanza na

"Sa pakikibaka'y tapunan ng lingap"

Bakas na bakas din ang kapakumbabaan at tunay na pananalig ni Bonifacio sa Maylikha at sa kapangyarihan nito. Ayon sa ulat ni Hen. Santiago Alvarez, isa sa mga paninirang-puri na pinakalat ni Emilio Aguinaldo sa Cavite ay ang pagiging "Mason at walang pagkilala at pananalig sa Diyos" di umano ni Bonifacio na lubos namang pinabubulaanan ng akdang tulang "Tapunan ng Ligap".


MI ABANICO

Del sol nos molesta mucho el resplandor,
Comprar un abanico de quita el sol;
Aqui sortijas traigo de gran valor,
De lo bueno acaba de lo major,
De lo major.

El abanico servi sabeis para que?
Para cubrir el rostro de una mujer,
Y con disimulo podreis mirara,
Por entre las rajillas del abanico
Vereis la mar.

Mi Abanico

(Google's Literal word for word Translation:)


MY FAN Of the sun bothers much to us brilliance, To buy an acquittal fan the sun; Aqui rings I bring of great value, Of the good thing finishes of the major, the major. The fan servi sabeis so that? In order to cover the face with a woman, and with dissimulation podreis watched, Among rajillas of the Vereis fan the sea.

 

"TAPUNAN NG LINGAP"

Sumandaling dinggin itong karaingan
Nagsisipag-inot magbangon ng bayan,
Malaong panahon na nahahandusay
Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.

Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,
Ang tapang at dangal na dapat gugulin?
Sa isang matuwid na kilala natin
Ay huwag ang gawang pagtataksil.

At ating lisanin ang dating ugali
Na ikinasira ng taas ng uri,
Ang bayang Tagalog ay may asa dili
Ang puring nilupig ng bakang maputi.

Aanhin ang yama’t mga kapurihang
Tanawin ng tao at wikang mainam
King mananatili ina nating Bayan
Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan?

Kaya nga halina, mga kaibigan,
Kami ay tulungang ibangon sa hukay
Ang inang nabulid sa kapighatian
Nang upang magkamit ng kaligayahan.

Mga kapatid ko’y iwaksi ang sindak
Sa mga balita ng Kastilang uslak;
Ugali ng isang sa tapang ay salat
Na kahit sa bibig tayo’y ginugulat.

At huwag matakot sa pakikibaka
Sa lahing berdugo na lahing Espanya;
Nangaririto na para mangga-gaga,
Ang ating sarili ibig pang makuha.

Sa Diyos manalig at huwag pahimok
Sa kaaway natin na may loob hayop,
Walang ginagawa kundi ang manakot
At viva nang viva’y sila rin ang ubos.

Ay! Ang lingap mo po, nanunungong langit,
Diyos na poon ko’y huwag ipagkait
Sa mga anak mong napatatangkilik
Nang huwag lumbagos sa masamang hilig.
Kupkupin mo nama’t ituro ang landas
Ng katahimikan at magandang palad;
Sa pakikibaka’y tapunan ng lingap,
Kaluluwa naming nang di mapahamak.