Home

Musikang Bayan

Anak ng Bayan: Mga Awit ng Ating Pakikibaka is a collection of songs that depict the life and struggle dreams and aspirations of the toiled masses, particularly the youth. In the factories, fields and in schools our vigilant youth continues to fight amidst the blatant deception instigated by the state to mould their minds to adore FOREIGN and PRO-IMPERIALIST desires and GREED.

Album Cover Musikang Bayan ay sina: Mga Awitin
Anak ng Bayan Album Cover
Levy Abad
Empiel Palma
Danny Fabella
Jess Bartolome
Lei Garcia
 

Anak ng Bayan
Mga Awit ng Ating Pakikibaka

Anak ng Bayan: Mga Awit ng Ating Pakikibaka is a collection of songs that depict the life and struggle dreams and aspirations of the toiled masses, particularly the youth. In the factories, fields and in schools our vigilant youth continues to fight amidst the blatant deception instigated by the state to mould their minds to adore foreign and pro-imperialist desires and greed.

Our youth becomes the primary victim of exploitation and their innocence is corrupted to make them believe that incoming "aid" such as the Official Development Aid/Assistance (ODA) from foreign countries like Japan and the United States are all for the benefit of the people. They too are the most abused and entangled to the negative effects of these "aids".

Cheap labor. Danger in working areas. Prostitution. These are but some of the many effects of the "aid" confronting our youth today. Worst, the future seized from them through imperialist plunder of our natural resources. All these in the name of "development".

Everyword, every note, every theme and arrangment of the songs in Anak ng Bayan the album, is extricated from the heart of the victims and witnesses of the state-instigated violence brought about by the grandious reclamation projects, gigantic dams, mining companies, and toxic wastes regurgitated everyday by such "aid" the so-called development projects that make gigantic graveyards of the lives and livelihood, dreams and aspirations of our people.

Anak ng Bayan aims to awaken and inspire the Filipino workers and people, particularly the youth, to continue not only the struggle against these deceptive "aid" but also the overall struggle for National Democracy.

Thus, this album of Musikangbayan, the group behind Rosas ng Digma, is dedicated to our oppressed people and for those who are with them in the struggle.

Solidarity and People's Advocacy Network
(SPAN)
Central Visayas


Ikaw ang Awit
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses at Gitara: Empiel Palma
Dagdag na Boses at Gitara: Jess Bartolome
Percussion: Mark Bambico

Anak ng Bayan
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses: Pepot Suapero
Gitara: Danny Fabella
Gitara: Jess Bartolome
Flute: Jeri Torre

'Sandaang Taon
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses at Gitara: Empiel Palma
Boses: Bayang Barrios
Dagdag na Boses: Jess Bartolome
Violin: Jonathan Urbano at Paul Allesa
Contrabass: Joven Tidon

Igagawa kita ng isang kanta
At katulad mo walang kasingganda
Musikang lilikhain tinig mo na kay lambing
At laya ang tanging sigaw

Igagawa kita ng isang kanta
At katulad mo walang kasingganda
Hahanga at iibig ang bawat makarinig
Sa pag-awit ay sasabay

Igagawa kita ng isang kanta
Kahit sa gitna ng isang digma
Titik na kakathain mga ngiti mong kay tamis
Naghahatid ng pag-asa
Mga matang nagniningning
Na wari ba'y mga bituin
Kislap ng isang bagong umaga

Igagawa kita ng isang kanta
Aawitin ko hangga't may hininga
Yakap ang gitara ko at mga alaala mo
Himig ay laging buhay
Ganda n'yang natatangi sa bayan ay magsisilbi
Pagkat ang awit ay ikaw


Inay, Itay ako po ay lilisan
Patutunguhan ko ay isang digmaan
Mag-aalay ako ng panahon at buhay
Para sa kalayaan

Inay, Itay 'wag kayong mag-alala
Inyong pagmamahal ay lagi kong madarama
Sa marami pang ama at inang mapagkalinga
Sa tahanang alay nila

Sa aking pag-alis kayo'y hindi rin mawawalan
Libong anak sa inyo'y laging magdaraan
Katulad ko rin, mabubuting anak ng bayan

Pagbati ko sa inyo'y ihahatid nila
Silang anak nyo rin at kasama
Kasabay ng mga ngiti sasabihin nila
Inay, Itay kumusta na

Inay, Itay sa ating paglalayo
Pinapangako kong hindi tayo mabibigo
Ang ating hanggad na malayang bukas
Ay tiyak na matutupad

Sa aking pag-alis kayo'y hindi rin mawawalan
Libong anak sa inyo'y laging magdaraan
Katulad ko rin, mabubuting anak ng bayan
Katulad ko rin, mabubuting anak ng bayan


Pinagtagpo tayo ng hirap at dusa
Sa isang panahon ng pagsisimula
Pinagbuklod tayo ng pagsasamantala
At ng mithiing lumaya

Ang bawat pagsubok ay ating sinuong
Sa bawat labanan ay laging pasulong
Tayong manggagawa'y magkakapit-bisig
Sa iisang kilusa'y tumindig

'Sandaang taon ng dakilang pag-kakaisa
'Sandaang taon, mabuhay ang pakikibaka
'Sandaang taon ng ating kilusang paggawa
'Sanddang taon sa pananagumpay ng digma

Pinapanday tayo ng mga tunggalian
Lalong pinatatag ng mahabang karanasan
Lakas natin ay mapagpalayang kilusan
Na hahawak ng kapangyarihan

At ating kasama'y mga magbubukid
At ang sambayanang hindi madadaig
Dudurugin natin imperyelistang ganid
Hanggang lumang tanikala'y mapatid

'Sandaang taon ng dakilang pag-kakaisa
'Sandaang taon, mabuhay ang pakikibaka
'Sandaang taon ng ating kilusang paggawa
'Sanddang taon sa pananagumpay ng digma

'Sandaang taon mabuhay ang manggagawa
'Sandaang taon mabuhay ang manggagawa
'Sandaang taon mabuhay ang manggagawa

Home     Top


Isang Araw Aanihin
Titik at Musika: Levy Abad Jr.
Boses at Gitara: Levy Abad Jr.
Dagdag na Boses at Gitara: Empiel Palma
Dagdag na Boses: Jess Bartolome

Payatas
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses at Gitara: Chikoy Pura
Percussion: Nards Reyes
Flute: Floro Sernande

Ang Pagiging Babae
Titik at Musika: Empiel Palma
Boses: Cookie Chua
Gitara: Empiel Palma

Sabay nating itanim ang binhi
Ng Paglaya sa bayan
Sabay nating diligin ng pag-ibig
Nang agad ay umusbong
Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay
At sabay nating tatamasahin ang masaganang buhay

Sabay nating itanim ang binhi
Ng katarungan sa bayan
Sabay nating diligin ng pag-ibig
Nang agad ay umusbong
Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay
At sabay nating tatamasahin ang masaganang buhay

Kaya't wag kang titigil at susuko
Sa pagpunla at paghahasik ng kalayaan
Ang ating p[agkakaisa'y patibayin
At ang ating pagkilos ay lalong patibayin

Sabay nating itanim ang binhi
Ng Paglaya sa bayan
Sabay nating diligin ng pag-ibig
Nang agad ay umusbong
Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay
At sabay nating tatamasahin ang masaganang buhay
Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay
At sabay nating tatamasahin ang masaganang buhay
Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay

Sinikap naming kami ay mabuhay
Ng payapa at marangal
Kumain man kami'y aming pinagpaguran
Walang kapwang ninanakawan
Walang kapwang nilalamangan

(Nguni't/Pagka't) lagi nyo kaming pinapalayas
Ang tahanan naim'y winawasak
Pinalipat-lipat kung saan-saan
Kung ilang beses na'y hindi ko na alam
At nangako kayo ng lupang tirahan
Ngunit ibinigay n'yo ay lupang libingan
Ng aming anak, asawa't magulang

Kami'y hindi na muling aasa
At maniniwala sa inyong salita
Di namin kailangan inyong pakikiramay
Kayong may sala't duguan ang kamay
Sa pagkawala ng maraming buhay

(Nguni't/Pagka't) lagi nyo kaming pinapalayas
Ang tahanan naim'y winawasak
Pinalipat-lipat kung saan-saan
Kung ilang beses na'y hindi ko na alam
At nangako kayo ng lupang tirahan
Ngunit ibinigay n'yo ay lupang libingan
Ng aming anak, asawa't magulang

Sinikap naming kami ay mabuhay
Ngunit kayo itong sa amin ay pumapatay
Mga tinig naming malaon ng sinupil
Ngayo'y naniningil at naghihimagsik
Sa sistemang ito ay naghihimagsik

Ang pagiging babae
Sa lipunang malupit
Ay puno ng hirap at sakit
Ang pagsasalita ay pag-aanyaya
Sa dahas na laging nakaamba
Hinagpis ay hindi maipakita

Ang babae at bayan ay
Laging nagdudurusa
Sa bangis ng pagsasamantala
Sa malalim na sugat ng pandarahas
Ay buhay ang katarungang hangad
Na ang maapi ay hindi na muli

Ang paghuhulagpos ay mayrong panahon
Ang panahon na iyon ay ngayon
Kasama ng bayan na magpupunyagi
Ang babae sa paglayang mithi

Ang pagiging babae
Ay pagiging mulat
Sa hindi pantay na pagtingin
Ang hindi pagkibo ay pag-aanyaya
Sa higit pang dahas at banta
Lakas natin ay ipakita

Ang paghuhulagpos ay mayrong panahon
Ang panahon na iyon ay ngayon
Kasama ng bayan na magpupunyagi
Ang babae sa paglayang mithi

Home     Top


Mag-aaral
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses at Gitara: Danny Fabella
Dagdag na Boses, Gitara, Shaker: Jess Bartolome
Cello: Patrick Sanchez
Harmonica: Jeri Torre

Pahayagan
Titik at Musika: Empiel Palma
Flute: Jeri Torre

Habang May Oras Pa
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses at Gitara: Gary Granada
Gitara: Empiel Palma
Harmonica: Jeri Torre
Percussions: Nards Reyes

Kami ay narito upang matuto
Sa masa at kasamang tulad nyo
Turuan n'yo kaming maging mahusay
Na kasama at lingkod nitong bayan

Kami'y makikinnig sa inyong mga kwento
Bawat gintong aral isasapuso
Sa 'ming pagpapanday ng mga sarili
Patuloy kaming magpupunyagi

Dasig kami mga kauban
tungod 'ni-a kamong tanan
Dasig kami mga kauban
tungod 'ni-a kamong tanan

Tulungan n'yo kaming pangibabawan
Mga taglay naming kahinaan
Nang hirap pagsubok at kabiguan
Mapagsikapang pagtagumpayan

Bukas ang isipan, kami'y mag-aaral
Ng inyong mayayamang karanasan
At sa tama n'yong gabay ay isasabuhay
Pakikibaka ng sambayanan

Dasig kami mga kauban
tungod 'ni-a kamong tanan
Dasig kami mga kauban
tungod 'ni-a kamong tanan

Kami ay narito upang matuto
Ani-a kami aron mokat-on sa inyo.

Paggising sa umaga narinig n'ya sa radyo
Balitang nakakatakot pakinggan
Hindi lang isang tao kundi marami pa
Ang magkakasamang pinaslang

Kulay dugo ang kulay ng bawat pahayagan
Tila isang laro na lamang ba ang pagpaslang
O, kayraming buhay na ang nasayang
Sa walang tigil na pagyurak
Sa pantaong karapatan

Hanggang kailan luluha ang mga naulila
Hanggang kailan sila magdurusa
Nasaan ang katarungan na hinihintay
Sa walang awang pagkitil ng buhay

Kulay dugo ang kulay ng bawat pahayagan
Tila isang laro na lamang ba ang pagpaslang
O, kayraming buhay na ang nasayang
Sa walang tigil na pagyurak
Sa pantaong karapatan

Habang may oras pa
Said na sikmura'y lagyan ng laman
Bigyang pahinga ang pagal na katawan
Habang may oras pa

Pagkat mamaya'y papagurin na naman
Pagkat mamaya'y gugutumin na naman
Sa paggawa

Habang may oras pa
Umupo sa harap ng hapag kainan
Likod mo'y ilapat sa papag-tulugan
Habang may oras pa

Pagkat bukas ay gigising na naman
Pagkat bukas ay alipin na naman
Ng kapital

Habang may oras pa
Kahit sandali ay iyong madama
ang pagiging tao
Habang may oras pa
Kahit sandali ay iyong madama
ang pagiging tao

Habang may oras pa
Sa piling ng iyong asawa't anak
Sa piling ng iyong kaibigang tapat
Kahit saglit magsaya
Habang may oras pa

Pagka't buhay mo'y puro sakripisyo
Parang hayop kung ikaw ay itrato
Ng iyong amo

Habang may oras pa
Kahit sandali ay iyong madama
ang pagiging tao
Habang may oras pa
Matutong lumaban at ipadama mo
na ikaw ay tao
Matutong lumaban at ipadama mo
na ikaw ay tao

Home     Top


Awit kay Bambi
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses: Bayang Barrios
Gitara: Empiel Palma
Violin: Jonathan Urbano
Violin: Paul Allesa

Ayaw Pailad
Titik at Musika: Ka Troy/Danny Fabella
Boses, Gitara: Rolly Wagas
Dagdag na Boses: Danny Fabella
Gitara, Percussions: Jess Bartolome
Percussions: Nards Reyes

Naglahong Paraiso
Titik at Musika: Levy Abad Jr./Danny Fabella
Boses: Arlene Pabroquez
Gitara: Levy Abad Jr.
Gitara: Empiel Palma
Gitara: Jess Bartolome

'Wag mag-alala mahal na kasama
Sa 'yong pagkawala makakaasa ka
Hindi masasayang alay naming bulaklak
Hindi masasayang mga luhang pumatak
Hindi masasayang aming awit at tula
Ng paghanga at pagdakila

Pagkat bakas na 'yong iniwan
Ay aming susundan
Buong tatag kaming babangon
Sa 'yong kinabuwalan
Pagkat bakas na 'yong naiwan
Ay aming susundan
Libu-libo kaming susulong
Tungo sa kanayunan

'Wag mag-alala mahal na kasama
Sa 'yong pagkawala makakaasa ka
Hindi masasayang ang iyong nasimulan
Hindi masasayang buhay mong ipinuhunan
Hindi masasayang ang sandatang nabitawan
Muli namin itong tatanganan

Pagkat bakas na 'yong iniwan
Ay aming susundan
Buong tatag kaming babangon
Sa 'yong kinabuwalan
Pagkat bakas na 'yong naiwan
Ay aming susundan
Libu-libo kaming susulong
Tungo sa kanayunan

At sa piling ng masa
Muli naming madarama
Ang lambing mo't pagmamahal
Kasama

Kung ang kalimbuan dugang pagpahimulos
Kung ang panaghi-usa dugang pagkabahin-bahin
Kung ang kalinaw labaw pang kagubot
Kung ilnang demokrasya ang kadenang gapos

Ayaw pagpailad sa ilang panglinla
Tan-awa ang buhat luyo sa istorya
Wala'y unod ang mga saad nila
Kay kitang mga kabus, kabus lang gihapon
Busa sa pagkigbisog kita magpadayon

Kung ang ilang bayani mao ang traidor
Kung ang manluluwas maoy tigpahimulos
Kung ang manggiluy-on maoy tigpangawlaw
Kung ang nag-alagad mao ang naghari

Ako'y nananabik sa mga huning kaylambing
Ng mga mayang sa umaga sa akin ay gumigising
Di ko na masaksihan ang paghalik ng paru-paro
Sa mga rosas na kayganda at kaybango

Ako'y nananabik na umidlip sa ilalim
Ng punong nara na malabay na dati-rati'y kapiling
Ibig kong maramdaman sariwang ihip ng hangin
Mula sa kinagisnang bukirin

Nais kong manumbalik ang dating makulay na paligid
Sa puso ay muling pausbungin ang luntiang daigdig

Ako'y nananabik sa hiyaw at halakhak
Ng mga batang naglalaro sa damuhan
Pagka't pumanaw na ang sigla nila't galak
Sa pagkasira ng paraisong kinagisnan

Nais kong diligin ng pag-ibig ang nalalanta nang kagubatan
Ipamana sa kabataan ang kanyang biyaya't kagandahan
Nais kong manumbalik ang dating makulay na paligid
Sa puso ay muling pausbungin ang luntiang daigdig

Home     Top

Sierra Madre
(Sa Alaala ni Mariel Cabigan)

Titik at Musika: Red Crisostomo
Gitara at Boses: Levy Abad Jr.
Dagdag na Gitara,Boses: Empiel Palma
Percussions: Nards Reyes

Hanggang Sa Muli
(Sa Alaala ni Philip Lapa)

Titik at Musika: Levy Abad Jr.
Boses, Gitara: Levy Abad Jr.
Dagdag na Boses, Gitara: Empiel Palma
Harmonica: Jeri Torre

Mula sa Sierra Madre humugos ang magsasaka
Nagpupuyos sa galit ang mga puso nila
Nananalasa ang mga berdugong militar
Sa kanayunan

Sinunog ng mga salot ang kanilang pananim
Tahana'y nirakrak ng mga buhong at salarin
Inagaw ang lupang kanilang sinasaka't
Maraming pinaslang at dangal na sinaling

Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahilan
Habang iilang ang nagmamay-ari may himagsikan
Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahila
Kung bakit may digmaang naglalagablab
Sa kanayunan

Kaya magsasaka ay nagbalikwas
Tinahak ang landas ng proletaryong bukas
At ang kanyang mga sigaw
Yumayanig sa kalunsuran

Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahilan
Habang iilang ang nagmamay-ari may himagsikan
Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahila
Kung bakit may digmaang naglalagablab
Sa kanayunan

Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahilan
Habang iilang ang nagmamay-ari may himagsikan
Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahila
Kung bakit may digmaang naglalagablab
Sa kanayunan

Ang daloy ng oras ay di mapatid
Ang wakas ng awitan palapit ng palapit
Kailan lang nagtagpo, ngayo'y maghihiwalay
Pinag-ugnay tayo ng mga awit ng buhay

Babaunin ko ang 'yong mga ngiti
At ang mga kuwento ng puso't paghihimagsik
At kung hindi man tayo muling magkita
Awitin natin ang awit ng paglaya

Hanggang sa muli mahal kong kasama
Hanggang sa muli sa pakikibaka
Ang mga hakbang natin ay magkaugnay
At wala tayong ibang hanggad kundi tagumpay

Kaya paalam na salamat sa iyo
Di ko malilimot ang mga araw na ito
Isang kabanata sa buhay, mga sandaling makulay
Ang mabuhay sa pag-ibig mo

Hanggang sa muli mahal kong kasama
Hanggang sa muli hanggang tagumpay
Ang mga hakbang natin ay magkaugnay
Pang-ugnay tayo ng mga kwento ng buhay

Hanggang sa muli mahal kong kasama
Hanggang sa muli hanggang tagumpay
Ang mga hakbang natin ay magkaugnay
Pang-ugnay tayo ng mga kwento ng buhay

Home     Top