Simula Prologo Santa Clara San Pascual Salambao Bagong Sigla Anyo Epilogo Iba pa PDF version Guestbook Yamagata Credits: Patnugot: R. delos Reyes HTML: E. de Guzman Larawan: J. Lozano |
Sino naman si Santa Clara? Bakit siya ang naging patron ng pagsasayaw upang magkaanak? Si Santa Clara ay isang madre sa Assisi, Italya noong ika-13 siglo. Siya ay nagpundar ng kongregasyong "Pobres Claras" alinsunod sa pangangaral at panata ni San Francisco de Assisi. Siya ay tinaguriang patron para sa magandang panahon sapagkat ang kanyang pangalan, sa salitang Kastila, ay nangangahulugan ng pagliwanang ng panahon matapos ang pag-ulan. Kaya't ang marami sa atin ay may paniniwala pa rin na a ng paglalagay ng itlog sa paanan ni Santa Clara ay isang mabisang panalangin upang magliwanag ang masungit na panahon. Bakit ang itlog? Sapagkat ang pangalang Clara ay halaw sa salitang claro (albumen) o puti ng itlog. Hanggang sa kasalukuyan, ang bisa ni Santa Clara ay kinikilala pa lalong lalo na sa daigdig ng "mass media." Siya any tinagurian ding patron ng telebisyon. Ang mga prayleng Pransiskano ay hindi nag-atubiling hikayatin ang mga katutubong Pilipino sa bubong ng Kristiyanismo. Ang pagbibinyag sa mga katutubo ay isinagawa. Ang pagtuturo ng katesismo ay sinimulan. Ang pagdiriwang patungkol sa mga anito ay pinalitan ng pagpipintakasi sa mga Kristiyanong santo. Ang pagsasayaw patungkol sa mga anito upang hindi mabaog ay ginawang pagpapandanggo kay Santa Clara. Ang ganitong paraan ay nakapagpapabiilis ng pagpapalit-paniwala ng mga Pilipino mula sa kanilang pagsamba sa kalikasan-langit, puno, araw at bituin hanggang sa kanilang tuluyang pagyakap sa mahika ng Kristiyanismo. Ito rin marahil ang naging dahilan kung bakit ang Pilipinas ay naging alipin ng mga dayuhan nang mahigit na apat na raang taon. Mula noon, si Santa Clara ay naging isang sentro ng romeria (pilgrimage) para sa mga taong nagnanais magkaanak. Mula noon, ang Catangalan (Obando) ay naging tampulan ng mga romerong (pilgrims) dumadayo upang magsayaw at mag-alay ng itlog. |